A/N: This story contains mature contents at rated spg na terms pati scenes (at marami pang kalokohan sa mga susunod na chapters) dahil sa plot at story niya, please read at your own risk dahil ang bida po ay ayaw magpaawat talaga charot. KABANATA 13: Blake Ang camera ay ipinuwesto ko sa harap ng center table kung saan saktong-saktong makikita ang mga katawan namin pero hindi ang mukha gaya ng demand ni Lawrence dela Merced. Well, ano pa nga bang magagawa ko. Ang daming pakondisyon. Siniguro ko na lang na makikita ang suot niya na silver niyang relo at ito ring gold na suot kong relo para sa pagkakakilanlan namin kung sakaling hindi pa maniwala ang bruhang Sierra. Susupalpalin ko talaga siya ng video na ‘to at excited na ‘ko! Pero sneak peek lang naman ang ipapakit

