"Aruy, si manang ang haba ng hair," hinawakan niya ang buhok ko. Binuhat niya pa ang imaginary long hair ko. Saka inilagay pa kunwari sa isang balikat ko. Na i-kwento ko sa kanya ang mga nangyari. Ito naman siya, kala mo binudburan ng asin sa sobrang nginig dahil sa kilig. Pinuntahan niya ako ngayong gabi dito sa bahay. Kumakain kami ngayon ng isaw, betamax, paa ng manok at leeg ng manok. Ilang araw na ako nag-crave sa ganitong klase ng pagkain. Mabuti na lang dumating siya. May kasama na ako kakain. "Hoy, baka mamaya n'yan maputol mo na paa ng upuan ko sa sobrang likot mo," saad ko habang ngumunguya ng isaw. Hinigop ko ang suka. Manamis- namis ito, maraming sibuyas at pipino. May anghang din na kaunti. Hmm! Sarap! Sumubo ako sa kanin, mauubos ko siguro isang buong kaldero nito. "A

