Hindi ko mabilang ang nagdaang oras sa pagtitig ko lang sa pintuang nilabasan niya. Kasabay ng mga butil-butil na luhang umaagos sa mga mata ko. Pinaaalis niya na 'ko dito sa bahay. Pinauuwi niya na ako sa bahay namin nang hindi siya kasama. Hihiwalayan na ba n'ya ako? "Hija, kumain ka na muna." lapit ni manang sa akin na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Nagulat pa ako nang hawakan niya ako sa aking braso. Napa-ngiwi ako sa sakit na naramdaman doon. Agad akong na pakislot at inilayo sa kanya ang katawan. Naiiyak na umupo si manang sa tabi ko, hinawakan ang isang paa kong na kalabas sa kumot. Agad ko itong tinago sa kumot na yakap ko sa aking katawan. Hinawakan niya ang pisngi ko para mapaharap sa kanya. Na tulala lang ako sa kung saan. Ang lahat ng bagay sa akin ngayon ay pa

