Tahimik ako dumiretso sa mga pagkain. Kumuha ako ng maiinom. Parang na bubulunan ako. Kumuha ako ng isang coke in can sa cooler. Inisang lagok ko lang ito. "Love," rinig kong tawag niya. Hinila ako sa upuan. Pinaguusapan nila ngayon ang gimik na gagawin sa opening ng Music de Danse. Hawak niya ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa. Wala ako lakas loob na hilain ito. Alam kong magtatanong siya kung bakit at hindi ako handang sagutin iyon. "Let's swim na, u-uwi na mamaya si Aaliyah." Tumayong aya ni Selene. Hinila niya ako papunta sa pool. Sa hagdan pa lang rinig ko nang pinigilan niya si Harold. Bumuntong hininga na lang ako. Sumandal ako sa gilid ng pool. Hanggang bewang ko ang tubig. "Ang lalim n'un, ah? May problema ba?" Lumapit si Selene sa akin. Sandaling nilingon ang likod namin. N

