Ilang araw na mula nang ma-ospital si mommy. Ilang araw na rin na hindi umuuwi si Harold sa bahay. Hindi na rin ako pumasok sa paaralan mula nang araw na iyon. Hindi ko kayang pumasok dahil mas ramdam ko na ngayon ang mga sintomas ng pagbubuntis ko. Sabi nga noon ni Franco na pwedeng mas lumala ang paglilihi ko. Iba-iba naman kasi daw ang bawat babae kung magbuntis. Minsan isang dahilan na rin ang hormones din. Maliban sa hilo at pagsusuka, hirap din ako sa pagkain. Lagi akong walang gana. Sabi ni manang pilitin ko daw pero talagang ayaw, inilalabas ko lang ito, iyon ang nagpapa-pagod sa akin. Tinignan ko ang box na inihanda kong surpresa kay Harold, in-imagine ko na hawak niya ito at masaya siya. Pero hanggang imagine na lang muna ngayon. Hindi ko pwedeng sabihin lalo na't galit siya s

