Chapter 1

1854 Words
Maaga akong nagising ngayong araw. Nakangiting niligpit ko ang mga ginamit na higaan. Hinalikan ang litratong nakapatong sa maliit na desk sa tabi ng higaan ko. "Good morning, Nanay at Tatay!" Tatlo kami sa larawan, kuha ito noong gumaduate ako ng kolehiyo sa aming bayan sa Pangasinan. Computer Science lang ang kinuha ko, isang vocational course. Balak ko mag-aral na lang ulit kapag nakaipon nang sapat na pera. Kailangan ko munang kumita para sa pampagamot at iba pang gastusin sa bahay. Mga may altrapisyon na sila Nanay at Tatay. Hindi na kakayanin pa ni Nanay na maglako ng kakanin sa bayan namin. Parehas na silang mga senior at may mga iniinda pang mga sakit. Mahirap na rin baka maaksidente pa si Tatay habang nagtatrabaho bilang isang construction worker. Mainit pa naman ang panahon ngayon! Delikado sa mga matataas ang BP. Ayaw ko man mapalayo sa kanilang dalawa, ngunit kailangan. Tumatanda na rin sila, gusto ko naman mapahinga sila kahit man lang sa konting tulong ko. Kaya nga magbabakasakaling dito sa Maynila ay mababago ang buhay namin. Kung susuwertihing makaipon agad, makakabalik pa ako sa pag-aaral. Kinuha ko ang tuwalyang gagamitin, isinabit ko ito sa aking balikat at nilabas ang plinant'yang susuotin para sa pupuntahan kong interview ngayong araw. Lumabas na ako ng silid at agad nagtungo sa kusina para magsaing sa maliit na rice cooker ko. Magbabaon na lang ako ng kanin para maka-tipid. "Ulam na lang!" sambit ko with sabay palakpak pa. Nagpainit ako ng tubig para sa kape, may tinapay pa naman akong tira kahapon. Pwede na ito para sa almusal ko. Nilagyan ko iyon ng paborito kong peanut butter. Masaya ang araw ko ngayon. Happy lang para walang bad vibes na lumapit. Positibo ako na makakahanap ngayon nang trabaho. Kaya bad luck go away! Hindi kita kailangan. Apat ang pupuntahan kong interview ngayong araw. Isang sa furniture shop as a sales lady. Sa fast food chain as service crew naman. Isang attendant sa isang shop ng mga damit at cashier sa isang convenience store. Tirik na tirik ang araw na tiningala ko ang mataas na building. Isa itong agency. Maraming mga nakapilang mga kapwa ko aplikante. Iniayos ko ang damit bago nagtungo sa sinabi ng babaeng napagtanungan ko. Pang huli na 'to ngayong araw. Sana suwertihin na! Kagaya ng mga naunang tanong sa ibang trabahong inaaplayan ko, confident kong sinagot lahat. May konting tonong ilokano man ako magsalita . . .ayos lang 'yon! And I'am proud to be. Ngumiti lang ako buong duration ng interview. Nangakong pagbubutihan ko ang inatas sa aking trabaho at siyempre, hindi laging liliban kung hindi kailangan na kailangan. Naginat ako ng katawan paglabas ng ahensiyang 'yon. Grabe, sakit sa katawan! Naninigas ang mga binti ko sa ngawit. Ikaw ba naman maglakad at tumayo buong maghapon, eh!? Suot ko pa itong minana ko sa mga ninuno ko, two inches na sapatos na kulang na lang, paliguan ko ng ragby. "Hmmmm," na pa-hummed ako sa na amoy. Biglang kumalam ang tiyan ko sa gutom. Ang bango ng mga niluluto nilang pagkain sa mga bawat kanto. Nakakagutom! Hindi ko malaman ang gagawin sa mga sasakyan. Para akong nakikipagpatintero sa kanila. Wala man lang gustong magpadaan sa 'kin. Bubusinahan ka pa agad na halos ikatalon ko na sa kaba. Naghintay pa ako ng mga makakasamang-tatawid. Hindi ako sanay sa ganito, kaya takot na takot ako tumawid. Wala kasi ganitong traffic sa probinsiya namin. "Good morning! Is this Miss Aaliyah Carpio?" magiliw na sabi ng babae sa kabilang linya. Kinakabahan man, sinagot ko ito nang may paggalang. Nang matapos ang tawag, napatili ako nang malamang pumasa ako sa trabahong inaplayan ko. Tumayo ako sa kamang maliit at tumalon-talon. Kinuha ang litrato naming pamilya at madiin ko itong hinalikan. Natatawa ako sa sariling nagpasalamat sa Diyos. Nakatingalang pinagsalikop ko ang mga kamay sa ilalim ng baba ko. "Thank you Lord," masiglang pagpapasalamat ko sa kanya. "So, Miss Carpio, panggabi ang trabaho mo. May incentives ka at bonus kapag maayos mong nagawa ang trabaho mo. Ayaw ko nang tamad at late kung pumasok, ha?" sabi nang kausap kong intsik na lalaki. Manager ito ng convenience store na papasukan ko. "Kung 'di ka agad makakapasok o may emergency, agad mo 'ko i-text. Ayaw ko nang biglaan, ah. At least three hours prior or a day before mo sabihin sa 'kin." Tumango-tango naman ako, nakaupo kami sa loob ng maliit na office ng store. O, mas tamang sabihin na storage room. Dito pinapirmahan ang contracts ko at discussing na rin about sa mga rules and regulations ng store. "Sa mga benefits naman, after six months pa y'un. Kasi ngayon, contractual ka lang muna. Tataas rin sahod mo in the next seventh month." Pagpapatuloy ng kausap ko. Ang cute ng accent niya. Tsekwa kasi! "Congratulations, anak. Pagbutihan mo ang trabaho mo, ha. Kahit maliit lang ang sahod o mahirap ang trabaho, gawin mo pa rin ang best mo," sabi ni tatay. Nakaupo sila sa silyang kawayan namin sa bahay sa probinsya. Missed na missed ko na sila. Agad kong ibinalita sa kanila ang good news. Naiyak pa nga ako nang maka-video chat sila. Ngayon lang kasi ako nawalay nang ganito katagal. Thanks to my cousin, Sabel. Naka-video call ko sila Nanay, wala kasi cellphone pang messenger ang Nanay at Tatay. De' pindot pa rin kasi ang meron sila. "Yes po, 'tay! Ako pa ba!? Simple lang naman po 'yong trabaho sa 7/11. Alam mo 'yun 'tay sa bayan kung saan tayo bumili ng Siopao ni Nanay?" Pagpapaalala ko sa kanya. "Kaso pang gabi ako pero keri na 'yun, 'nay, 'tay. Mas malaki kikitain ko. Huwag lang sanang may lokong lolokohin ako. . . Nakuuu . . ." Hindi ko na natapos ang sasabihin nang magsalita ang Nanay. "Anak, mag-iingat ka, ha? Alam mo namang iba ang Maynila," nag-aalalang wika niya. Ngumiti lang ako sa kanila. Pinipigilan kong maiyak. Hindi rin nagtagal tinapos ko na ang tawag para makapagpahinga na sila. "Here's your change, ma'am!" Nakangiting sabi ko sa babaeng magandang bumili ng meryenda niya. "Aaliyaaaaaah!" Tawag ng intsik kong amo. Hays! Nakaka-ilang tawag na ba 'to? Masyadong demanding! Grabe lang, dami kaya customers! Tsss! "Bakit ganito ayos ng mga frozen cokes natin? Sa- a- abi ko sa 'yo lagay doon sa likod. Ikaw, ha? Kulit ka." Tinuturo nito ang malaking salamin na refrigerator sa likod ng mga estante. Napakamot na lang ako nang batok ko. Kanina inayos ko na 'yun. May mga binatilyong salbahe lang talaga. Ginugulo nila ang mga naka-display sa estante. Kukuha na nga lang d'un pa sa pinakalikod ng fridge! "Hay! Buhay, ohhhh, nakaka-pagod!" Bulalas ko sa sarili. Mag-isa lamang ako dito. Lahat nang trabaho from mag-mop sa sahig, tumao sa cashier, mag-ayos ng mga paninda, maglagay ng mga bagong stocks, mag-inventory hanggang sa pagiging katsikahan ng amo kong intsik. Natatawa ako sa pakikinig ng mga rants nito sa ibang customer. Pabulong 'tong magsalita at kapag nand'yan na sa harapan nito, sabay ngiti ng matamis. Nawawala ang mga singkit niyang mga mata. So cute. Natatawa akong napapailing. Mabilis lumipas ang mga araw. Ilang buwan na rin ako na pang-gabi sa trabaho. Mangilan-ngilan na lang ang pumapasok na customers sa madaling araw. Kaya nakakapagpahinga pa ako. Sinabayan ko ang kanta sa speaker. Ginawa ko pang -microphone ang dulo nang handle ng mop. Naginarteng nasa stage ako at buong tapang na kumakanta. "Hindi ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin. Naaaapaka saakit naaa marinig, na ayaw mo sa aaaaakinnn." Kinumpas ko ang mga kamay, iniling-iling ang ulo ko. "Kirooot ang dulot sa king damdaminnnnn, di-----. " Hindi ko na natapos ang kinakanta ko nang tumunog ang chime. Hudyat na may customer na pumasok. Tumikhim akong iginilid ang mop. Nagtungo sa cashier desk para kunwari abala. "Good morning po, sir!?" Masayang bati ko, tinignan ang pumasok. Isang lalaking mukhang lasing. Hindi nito maideretso nang mabuti ang lakad niya. Nakasuot ito ng puting kupas na t-shirt na may mga mantsa pa sa gilid at sa kanyang manggas. Nakasuot rin ito nang maong na pantalon. Nakatsinelas at may hawak na sumbrero sa isa nitong kamay. Naglakad ito sa loob, medyo sumusuray-suray. Hirap siyang tumayo nang tuwid. Muntikan pang mabungo sa lamesang nasa gilid. Sus me! Napatampal ako sa aking noo. May hinahanap siya sa estante. Umikot-ikot siya doon nang walang katapusan. Hindi ako umimik at tahimik na pinagmamasdan ang lalaki. Kinakabahan man, sinikap kong ngumiti sa kanya napatuloy sa paghahanap nang kung ano. Nakakunot ang noo nito habang tumitingin-tingin. Nilapitan ko siya sa kabilang lane ng store. I cringed my nose. Ano ba 'yan? Ang baho naman nito. Pinaghalong alak at sigarilyo in-one. Sabay pasimpleng kamot sa ilalim ng ilong ko. "Sir, ano po hinahanap niyo?" Tanong ko sa lalaki. Umusog nang kaunti sa likuran ko para hindi ko siya maamoy. "Walaa ba kayong ano--ahh, 'yun- 'yun!" n Nagpatuloy ang lalaki sa paghahanap. Sinusundan ko lamang siya. Nagkukunwaring nagaayos ng ibang paninda. "Ano po 'yun, sir? Hahanapin ko po para sa inyo." "May red horse ba kayo? 'yung malamig." "Sorry, wala po. Meron lang mga beer in canned lang po." Naglakad s'ya sa malaking ref, tinuro ang mga brands ng beer. "Ito-----." Kukuha na sana ako ng canned beer para ipakita sa lalaki, nang biglang malakas na magsalita ito. "Tang-na naman, oh! Anuuu klasinnng tindaaaaan tooo?" Íritadong kumamot ito sa ulo at nilibot ang buong store na pasuray-suray. "Kuha mo kooo . . . kung hindi tatamaan kaaaa!" sigaw niya. Dinuroduro pa niya ako. Sa sobrang takot, sinabihan ko na lang siya na umalis na lang. Kung hindi tatawag ako ng pulis. Akmang lalakad na ako papunta sa counter nang itapon nito ang mga nakahilerang biscuit at tinapay. Kumuha pa ito ng mga bottled coke na nakalagay sa gilid para ibato sa kung saan dahilan para sumabog at mabasa ang nalampaso kong sahig kanina. I can't move, patuloy pa rin ang lalaki sa pagwawala. Madami nang nagkalat sa buong store. Pinapakalma ko ang lalaki para tumigil na siya. Lumapit siya sa puwesto ko, humakbang naman ako patalikod. Yumakap ako sa lamesang malapit sa akin. Itinaas niya ang kanang kamay akmang sasampalin niya ako. Itinagilid ko ang ulo ko, hinihintay ang palad na dadapo sa aking pisngi. Ngunit segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman. Nang tingalain ko ito, isang matangkad na lalaki ang bumungad sa harapan ko. Hawak nito ang kamao ng lalaking lasing na nabitin sa ere. Masama niya itong tinitigan. Parang tumigil ang oras sa mga pangyayari. Parang nag-slow-mo ang lahat. Kung hindi dumating ang gwapong matangkad na ito. Baka tabingi na ang pisngi ko ngayon. Tinitigan ko siya. Nagpasalamat nang tahimik sa kanyang pagdating. Parang ganito ang mga nangyayari sa w*****d. Siya ba ang knights in black pants kong tagapagligtas? Lumingon siya sa akin, dahan-dahan. Ang mga matang 'yon parang wala nang iba sa paningin ko. Tanging nasa kanya lang. Umawang ang kanyang bibig, may sinabi siya ngunit hindi ko na narinig. Nabibingi na ba ako? Itinagilid niya ang ulo niya, ngumiti sa 'kin. Oh, me Lord! "Ehem!?" Nagulat ako sa malakas na tikhim. May humawak sa aking balikat mula sa likuran ko. Nanginig ako sa takot. Nanigas sa kinatatayuan ko. "Ahhh!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD