"Pwede ba ako maka-singit, mga anak?" napabaling ang tingin namin nang makarinig ng pamilya na boses. Nakatayo si tatay sa kaliwa naming dalawa. Naka-ngiti sa amin. Isang ngiti na alam mong totoo, ngiti ng isang amang mahal na mahal ang kanyang anak. Agad akong ngumiti sa kanya, bumitiw sa pagkakayakap sa asawa ko. Buong galak akong yumakap sa kanyang braso na parang isang batang na missed ang kanyang ama na susundo sa kanya paguwi galing eskwela. "Oo naman po," iniabot niya ang kamay niya sa aking tatay para makipag-shaked hands silang dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit may pa ganun siya ngayon. Hindi naman nila ginagawa ang ganitong gestures noon lalo na ang tatay ko. Isang beses niya ako sinulyapan na may ngiti sa mga labi bago kami iniwan ni tatay sa gitna ng ma-berdeng sahig

