Napaigtad ako nang maramdaman ko na may yumakap sa likod ko at inamoy ang buhok ko papunta sa aking leeg. Kung wala lang ako sa condo niya na ito, baka napahiyaw na ako or worst tinapon ko ang hawak kong kape sa kanya. Napanguso ako, hindi ko siya pinansin, diretso lang ako sa paghahalo ng kape ko. Inihulog ko ang ginamit na kutsara sa lababo bago pumihit pa kaliwa para maupo sa lamesa. Dahil hindi naman niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin nakawala ako sa mga bisig niya. Pagharap ko sa lamesa may pagkain nang nakahanda doon. May mga brown na paper bag na galing sa pinakamalapit na fastfood chain sa baba lang ng condominium niyang ito. Umupo ako sa upuan ko kanina, hindi ko siya pinansin. Sumimsim lang ako sa kape ko, mainit pa nga, muntikan pa mapaso ang dila at labi ko. "Good mor

