Buong hapong iyon hindi ako lumabas. Dinalahan lang ako ni manang ng pagkain. Buong gabi ko siyang hinintay ngunit walang dumating. Gusto kong pagusapan namin kung bakit ganoon na lang ang galit niya kanina. Wala naman kaming problema? Ang alam ko lang. . . malungkot at nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng daddy. Hinayaan ko lang s'ya--- dahil iyon ang kailangan niya ngayon. Takot man ako sa ginawa niya kanina kailangan namin ito ayusin bago pa man lumaki. Tinignan ko ang braso kong namumula pa rin sa diin ng pagkakahawak niya kanina. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. At ang pagtulak niya sa akin sa kama. Para lang siyang naghagis ng kung anong bagay doon. Parang hindi si Harold ang lalaking kasama ko kanina, parang ibang tao siya. Hindi magagawa sa akin ito ng

