"Konting asin pa," sabi ng kaibigan kong chef. Tinikman muli bago kumuha ng asin sa supot. Hinalo ko naman iyon bago tinikman.
"Hmmm, yum!"
We're super busy, hindi na nga magkanda-ugaga. Pang ilang ulam na ba ito? Dalawa pa lang. May tatlo pa!? D'yos miyong per kilong ulam 'yan!
"Parang kulang pa, lagyan mo pa ng konting paminta." Sabi ni chef Mira.
Eh, 'di nilagyan ko pa ng paminta.
Paluto na ang Menudo, ilalagay na lang ang atay. Isusunod naman namin ang Chopsuey.
Ito ang pinaka mahirap. Himay dito, himay doon. Balat dito, balat doon.
Sa itlog pa lang ng pugo at hipon takaw oras na. Sobrang sakit na nang likod ko. Si Mira naman taga-hiwa nang mga ibang pang sangkap sa Menudo at Kaldereta.
Mabuti na nga lang hiwa na ang mga karneng binili namin. Kung hindi baka magahol kami sa oras.
Gabi na nang matapos kami kagabi. Past twelve na. Kahit puyat at pagod man kailangan pa rin bumangon.
Madilim pa lang gising na kami ni Mira. Four gumising na siya para kunin lahat ng mga pinalamig kila Chico.
Ako naman, habang hinihintay siya sinalang ko na ang iba pang kailangan palambutin.
Hinugasan ang mga paglalagyan ng mga naluto na. Pinunasan lahat ng mga trays para masiguradong walang bacteria.
Sobrang pagod. Walang pahinga. Dapat mga eleven mamaya ma-ideliver na ang mga ito. Before lunch sila magsisimula.
Ang balita ko, gusto ni Chico na pumunta kami. Ininbitahan daw kami. Sus, kami? Baka siya lang. Papakilala na siguro siya sa mga relatives.
"Ikaw na lang, ikaw naman nagluto. At saka na pagod ako."
"Hay, ako rin. Feeling ko binugbog ako. Maglilinis pa ako dito."
Bumuntong hininga siya. True! Masakit likod ko. Mga binti ko. Balikad ko. Hindi biro 'tong pinasok namin, ha!?
Isa pa, super daming kalat. Madami pang lilinisin.
May bisita pa ako! Kailangan ko maglinis at maligo. Baka hindi na niya tikman mga niluto namin. Dahil sa akin palang amoy ulam na.
"Kape sis, please."
Paki-usap ko kay Mira. Ibinaba na niya ang nalutong Menudo. Naglagay siya ng tubig sa takure saka sinalang.
Sa kabilang lutuan naman, may nakasalang na fried chicken. Ako ang nakatuka doon. Habang siya nagbabalot ng shanghai. Tinutulungan ko siya matapos mabaliktad ang mga pinipiritong manok.
Sis!? Sixty pieces itong manok. Sa shanghai madami iyon, baka nasa seventy piraso. Hindi madali, ah.? Gahol pa sa oras.
Ganito ba karami mga kamag-anak ni Chico? Parang pang isang baranggay na ito, ah?
"Pang- ilang kape na ba na 'tin, 'to?"
Tanong ni Mira, naghalungkat ng tinapay sa mga supot sa lababo.
"Ako? pang- tatlo ko na. Ikaw? Pang- apat na siguro." Tumayo ako para baliktarin ang manok. Hindi naman na kailangan dahil deep fry ito. Pero para ma-sure na luto talaga, binabaliktad ko pa rin.
Mahirap na! Negosyo ito. Pangalan ni bestie ang nakasalalay.
"Isa pa sa bahay nila Chico. Pinagkape niya ako bago umalis. Baka, iwanan na ako ng puso ko n'yan sa sobrang daming kapeng na inom ko."
"Haha, okay lang sis. Alam ko naman kung saan pupunta 'yang pusong kabayo mo."
Pinagpatuloy ko ang pagbabalot ng shanghai. Siya naman nagtitimpla na ng kape. Umupo siya. Tinabi muna ang ibang kalat sa lamesa. Inilapag ang siopao na hindi ko alam na meron pala.
"At saan naman?" kuryosong tanong niya. Kumagat sa kanyang siopao. Tumayo naman ako para maghugas ng kamay.
Natatawa ako. Pinipigilan ko iyon. Ganito ako bago magbitaw ng joke. Tatawa muna bago joke. Kaya 'di na nakakatawa. Sa huli, sa tawa ko na sila natatawa. Hindi sa joke.
"Para alam ko kung saan susunduin. Mahirap na baka mapunta sa maling kamay, baka saktan lang."
Hugot pa more!
"Boom, panis. Don't yah worry my friend. Mabait at tamang kamay ang pupuntahan ng puso mo." Tinapik ko siya sa balikat. Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko na hinintay tanungin niya ulit. Malakas ko siyang sinagot.
"Kay Chico."
Malakas akong tumawa ng halos mabulunan na siya sa kinakain. Inabot niya ang kape. Uminom. Dahil mainit iyon. Mas lalo siyang na saktan. Hahaha
I know the feeling, girl.
Ginanyan mo ako buong magdamag kagabi. Kaka-asar mo sa akin ng pinya. Ayan, it's payback time.
Patapos na kami sa mga niluluto. Konting pasada na lang, ginagamit ni Mira ang kanyang magic sa kusina. Nag-aral pala siya ng TESDA sa kanilang lugar. Kaya marunong siya sa plating, decorating, cooking, at madami pang iba.
Nag-enrol yata siya sa lahat ng courses ng TESDA.
Lahat ng mga naluto na nilagay sa food tray. Stainless ito. May takip. May ilalagay sa ilalim para mapanatiling ma-init. Sinigurado kong malinis lahat ng gamit habang siya naman inaayos ang mga natira para ilagay sa kaldero.
Kung maubusan man sila, re-fill na lang. Bahala na kung sino ang kasama o caterers na kinuha ni Chico.
Baka nga hindi naman talaga kailangan si Mira ang magluto. Kasi kaya naman niyang magpa-restaurant na lang.
Siguro, para na rin matulungan ang ka-ibig-an niya. Napa-ngiti ako. Not bad na rin. Kailangang- kailangan ni Mira ng pera.
Sayang lang, may iba na siya.
Nagpahinga muna kami. Okay pa, may oras pa naman. May isang oras pa bago eleven. Buti na lang maaga kami na tapos. Makakapagpahinga pa bago maligo.
Siyempre-- ayaw naman naming mapasma.
Sasamahan ko siya hanggang sa venue. Tutulungan ko siyang i-deliver lahat ng mga pagkain. Lahat naman okay na.
Kami na lang talagang dalawa ang mukhang 'di okay.
Pawis, gulo-gulong buhok. Amoy ulam. Kanin na nga lang ang kulang. Oh, speaking . . may kanin ba sila? Ulam inorder nila at panghimagas. Sa kanin kaya? Walang sinabi si Mira.
"Hoy, paano sa kanin?" Kinalabit ko ito, kumakain siya ng Piatos.
"Sila na daw bahala, sinabay yata sa inorder na lechon at cake. May iba pa silang inoder-an na pagkain."
Tumango ako. Sumipsip sa softdrinks na binili sa baba.
Ang sarap ng lamig. Lasang bubble gum. I wonder bakit bihira nang magtinda ng Sarsi ngayon sa mga tindahan. Mostly Coke, RC at Pepsi.
Nang matapos maligo, naghanda na kami para umalis. Niligpit ni Mira ang ibang kalat habang naliligo ako. Na-una siyang naligo. Habang nasa banyo ako, naglilinis naman siya. Nag-mop pa. Ang mga na iwan na lang na lilinisin at huhugasan ay mga pinaglutuan. Mga kaldero at mga ilang kalat na basura.
Ako ang na unang bumaba, para magtawag ng masasakyan. Isa pa pala ito sa problema. Kahit trisikel baka hindi magkasya lahat.
Kakailanganin namin ng dalawang trisikel.
Pag-minamalas ka nga naman, oh. Wala kahit isa.
Mga lasing daw kasi mga namamasada sabi ng babae na nagwawalis sa harapan ng kanyang bahay.
Tsked, baka dito pa kami ma-late. Tiningala ko ang hagdan. Nasa taas si Mira, baka sa kabilang kanto na lang ako hahanap ng masasakyan.
Kinuha ko ang cellphone sa aking suot na sling bag. Ti-next ko siya na maghintay sandali. Dahil sa kabilang kanto pa ako kukuha ng masasakyan.
Sumagot naman siya agad, naglakad na ako. Mainit na ang sinag ng araw. Basa ang daan. Dahil linggo ngayon madaming naglalaba. Walang grainage ang lugar namin kaya pag naglaba ang mga kapitbahay ko, asahan mo baha na sa kalsada.
What's more pag-umulan. Pahirapan maka-uwi. Hindi naman umaabot sa mga bahayan ang tubig, pero sa daan wala ka ng malakaran. Pwede na ngang pagtaniman ng palay sa sobrang putik.
Napa-tingin ako sa sasakyan na bumusina sa harap ko. Hindi ko agad ito nakita dahil nasa mga batang naglalaro ang atensiyon ko.
Inulit nito ang busina. Tumabi ako sa gilid, baka dadaan lang ito. Teka? Parang pamilyar, ah.
Napa-isip ako, saan ko na nga na kita ito?
Nasagot ang tanong ko nang bumaba ang bintana nito ng matapat sa akin.
Nakangiti siya, ang mga na miss kong ngiti.
"Hey, saan ka pupunta?" Tanong niya
Luminga sa paligid. Kumunot ang kanyang noo. Sinundan ko ang tinitignan niya.
Mga lalaking nakasulyap sa akin, mga tambay na kagigising lang yata.
Nagbibiruan sila, nagsisipulan!
Hinayaan ko na lang, kahit medyo nakaka-offend. Basta huwag lang nila ako lalapitan o hahawakan.
"Get in, hatid na kita."
Pumasok ako sa sasakyan niya. Ang bago ng amoy. Ang lamig. Ang sarap sa pang-amoy. Amoy siya. Hindi masakit sa lalamunan. Manly ang amoy na may pagka-fruity.
"Ang aga mo naman, akala ko mamayang hapon ka pa pupunta dito." Tanong ko.
Nagitla ako nang umusog siya, kinuha ang seatbelt ko at siya na ang naglagay.
Pigil hininga ko siyang tinignan. Tinikom ang bibig, baka hindi maganda ang amoy ng hininga ko. Although, nagtoothbrush naman ako pero maganda nang mag-ingat.
"There," bumalik siya sa kanyang upuan.
"Told you, I can't wait to see and taste yo-- the food you cooked," saad niya habang sinusuot ang kanyang seatbelt.
Pinaandar na niya ang sasakyan, tinanong ako kung saan pupunta. Kinabig na niya ang manibela papunta sa bahay ko.
"Wala kasi masakyan. Kailangan na madala sa venue mga nalutong pagkain." Nag-aalala kong saad. Tumingin sa paligid baka may pwede kami maarkilang motor.
Pero wala.
Ano ba 'yan? Pag minsan naman sobrang daming trisikel na nakapila. Habang wala silang pasahero mga nagkakara-krus sila. With alak.
Alak ang tutungain ng mananalo. Tsk! Mga sugapa sa inuman. Hindi naman masarap iyon, bakit na adik sila?
"I'm here, I can help you guy's. Malaki naman ang dala kong sasakyan. Kasya naman siguro dito!?"
Iba ka talaga, my knights. You saved us. You saved the food from becoming panis!
Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng gate. Bumaba na kami para makuha lahat ng mga pagkain.
May trenta minutos na lang kami. Sana hindi ma-traffic.
Tinulungan kami ni Harold dalin sa sasakyan niya ang mga food trays. Kinuha niya muna ang mga mabibigat. Gaya ng mga kaldero. Ako naman sa Shanghai. Si Mira sa mga fried chicken.
Naka-ilang balik din kami. Pawis na pawis siya. Basa ang buhok sa pawis. Kawawa naman, ihahatid na nga kami nang libre. Pinagbuhat pa namin.
Nasa sasakyan na si Mira. Inaayos ang mga pagkain doon. Ako naman hinihintay si Harold na madala ang isang tray. Bago i-lock ang pinto.
Pagkaharap ko sa kasama nakikipag-usap na ito sa mga ibang tao sa hagdanan.
Famous, eh.
Todo ngiti iyong biyudang kausap. Na gayuma yata sa charm nitong si Harold.
May-asim pa si Mader!
Umubo ako para maagaw ang atensiyon nila. Baka kasi hindi niya na alam na nandito pa ako.
"Let's go?" Masayang tanong nito. Nginitian ang babae. Kumaway naman si antie.
"Ingat kayo. Balik ka, ha? Bili ka ng mga paninda ko pogi."
Ay, friends na pala sila. May costumer and seller nang usapan.
Pilit akong ngumiti sa babae. Akala ko kakaway din ito sa akin. Pero, aba! Tinalikuran ako na walang sabi-sabi. Ni hindi man ako sinulyapan kahit isang tingin.
Bakit ba ang hirap makahanap ng mga kaibigan sa lugar na ito?
Tinuro ni Mira kung saan ang venue, mabuti na lang malapit lang pala.
Pagdating doon, madami nang tao. May mga naka-upo na sa mga tables. Mga nag-uusap at ang iba ay nagpi-picture-an.
Sandaling umalis si Mira, para hanapin si Chico. Iniwan kami dito sa isang bakanteng table.
"Kamusta naman business trip mo sa Tagaytay?"
Panimulang topic ko. Nagpupunas siya ng pawis sa noo.
"Hmm, as always dulled. Boring. Nothing exciting. Puro deals, money, babae, asawa, ang pinag-uusapan."
He rolled his eyes, mangha ko siyang tinignan. Ito ang unang beses ko makitang ginawa niya iyon.
So cute, akala ko mga babae lang gumagawa noon.
"Haha, soon. Gan'un na rin gagawin mo. Hindi ka pa sanay ngayon, pero soon. Kasi business man ka din 'gaya nila."
"Maybe,"
Tinaas niya ang kamay, pinunasan ang noo ko. Natigilan ako doon, naramdaman ko ang init ng kanyang kamay.
Lumunok ako, pinakalma ang puso kong biglang nabuhayan.
Hinawi niya ang buhok ko. Iniipit sa likod ng tenga.
Napatingin siya sa akin. Sa aking mata.
Tumikhim ako ng lumipat ang titig niya sa aking mga labi. Wala sa sariling dinilaan ko ito. Wrong move, yata. Napalunok siya. Na-uuhaw din kaya? Na-ingit sa paglunok ko ng laway.
Dumiretso siya ng upo.
"Whoo, ang init dito? Wala ba silang aircon?"
Ramdam ko ngang biglang uminit. Para akong hinabol ng kung ano. Kinakapos ang hininga ko. Sumasabay pa itong puso ko.
Hindi na yata sila magka-sundo ng lungs at puso ko. Nag-uunahan ba. Parang ang isa gustong lumabas, ang isa naman gustong magtago.
Tsked, ano ba ito?
Mabuti na lang bumalik na si Mira kasama si Chico.
"Buti na lang nakarating kayo. Oh, Harold, I didn't expect you here?
Nagtatakang tanong niya kay Harold. Naki pagpalitan naman siya ng tapik sa balikat ni Chico.
"Yeah, bro."
Bakit parang nahihirapan siyang mag-salita. Napakunot noo din tuloy sila Chico at Mira. Sandali nila akong sinulyapan.
"Kumain na kayo dito, mamaya mag-start na. May hinihintay lang."
Aya sa amin ni Chico. Nagkatinginan kami ni Harold.
"Ah, eh. Kayo?" Tanong ko sa dalawa.
Si Mira, magpapaiwan daw. Request kasi ni Chico.
Si Harold, tinignan muna ako bago tinanong.
"Uwi na lang ako, na pagod ako sa pagtulong." Dahilan ko. Tumango lang si Harold, sasama daw siya sa akin.
Well, alam ko na ang dahilan.
"Sige, parang may usapan na kayo, eh."
Balik sa amin ni Chico, narinig kong humagikgik si Mira. Sinamaan ko siya ng tingin.
'tong babaeng 'to!? Siya nga sabi niya maglilinis sa bahay, 'yon pala bibigay din.
"Sige, bro. Alis na kami." Paalam ni Harold.
Patuloy pa rin sa nakaka-asar na ngiti si Mira. Pasimple ko siyang kinurot sa likod. Lumapit pa ako sa kanya. Diniin ng konti ang kuko. Napa-ungol siya sa konting sakit.
Naglakad na kami pabalik sa kotse nito. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Bago umikot sa kabilang side ng driver seat.
Napa-pikit ako ng lumapit siya. Bakit bigla na lang siyang lumapit? Ano gagawin niya?
Narinig ko siya na tumawa. Dumilat ako.
Nang mapagtanto ang gagawin niya, hinampas ko siya sa braso. Patuloy pa rin ito sa pagtawa.
"Relax, Kakabitan lang kita ng seatbelt."