Gabi na nang magising ako. Nag-inat-inat! Tinignan ang oras. May ilang text ako na natanggap mula kila nanay, Mira at Harold. Hindi ko muna tinignan ang mga ito. Tumayo ako pumunta sa kusina. Kumakalam na ang t'yan ko. Nagmumura na sila Anaconda sa gutom. Dahil walang makain. Tinatamad na din ako magluto, nag-painit na lang ako ng tubig para sa oatmeal. Nilagyan ko 'to ng gatas, Bearbrand at Milo. Sapat na pantawid gutom ito hanggang bukas. Ring! Ring! Ring! Rinig kong nag-ring ang cellphone ko sa kwarto. Baka sila nanay, kanina pang tanghali ang text nila. Pero . . . gabi na, ah! Hindi pa sila natutulog? Agad ako naglakad papunta doon. Napagalala ko yata sila. "Hello!" Tanong ko sa kabilang linya. Naglakad pa balik sa kusina para ituloy ang kinakain. "Hi, anong ginagawa mo?" Ha

