Parang puputok ang eardrums ko sa sobrang lakas ng music. Sabay pa ang mga hiyawan ng mga taong nandidito. Lumakad na kami sa loob hawak niya ang kamay ko. Hinahawi ang mga taong madadaanan namin. Parang mga wala silang pakialam sa mundo. Masaya ang tugtugan, pero ang mga sayawan nila gilingan. Ganito pala ang bar, ang alam ko lang kasi may mga sumasayaw sa stage. Naghuhubad. Tapos, tapos . . . 'yon ang sabi sa probinsya namin. Dito pala kahit lalaki, gumigiling din. Naghuhubad din kaya sila? Matanong nga si Mira mamaya. Sa magbilang gilid may mga tables. Sa pinakadulo, pa-ikot na mga sofa na kulay pula at lamesa sa gitna nito. Tama nga siya, punuan ang lugar na ito. Hirap kami lumusot. Marami pang hindi nakakapasok sa labas. Mga matiyagang pumipila para makapasok dito. Hindi magka

