MIKA
I was waiting for her text simula nung umuwi ako kaso wala eh, mukhang hindi talaga ako importante kahit konti sa kanya. Dahil pasko naman, tinext ko siya. Akala ko hindi siya magrereply, pero nang marinig ko yung boses niya, para akong ice cream na natunaw.
"Ano po? Andito si Jovs?" rinig kong sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako, I'm getting jealous sa bagay na ginusto ko naman. Ginusto kong ipaubaya siya sa iba kaya magdusa ako.
"Uhm Ye. Text na lang tayo, andito daw si Jovs. Merry Christmas ulit. See you soon baby tams. Miss na miss na kita." dagdag niya.
"Okay." sagot ko at binaba na din ang tawag.
Napansin ko namang may text message kaya inopen ko na din iyon.
From: Gale
Hi Mika! ❤️ Merry Christmas! I can't wait to see you. Pwede ba kitang ayain here sa bahay? Hmm sa New Year's Eve sana.
Napakunot na lang ang noo ko sa nabasa. New year's eve? Sigurado ba siya? Ni hindi ko nga siya nililigawan o gusto tapos papapuntahin niya ako? Gusto ko makasama pamilya ko noh.
To: Gale
Uhm sorry, family day. Jan. 2 balik namin for training, before training nalang maybe? Lunch?
From: Gale
Okay! Enjoy your vacation my love! ❤️
To: Gale
Okay. Enjoy yours too ☺️
Nilapitan naman ako ni mama at inabutan ng isang baso ng yakult, bitin yung isang maliit sa akin kaya pinagsasama-sama niya na.
"Bakit ang lungkot mo 'nak?" nag aalala niyang tanong.
"May LQ ba kayo ni Rachel?" dagdag pa nito at hindi ko napigilan ang sarili ko matawa, mommy talaga.
"Ma hindi naman po kami. Isa pa, mahaba pila ng manliligaw nun, wala ng time kung dadagdag pa ako." sagot ko at nakatanggap ng solid na kurot mula kay mommy.
"Gusto ko masaya ka, bakit hindi mo subukan?"
"Ma, hindi na ho. Move on na lang ako hehe, pati ikaw ma, mag move on ka na din."
"Ikaw talagang bata ka, manang mana ka sa tatay mo." sabi ni mommy at iniwan na ako sa terrace ng bahay namin.
Nakatingin lang ako sa kalangitan, kakaunti ang mga bituin at malungkot ang awra nito.
Nakikidalamhati ka ba sa puso ko? Tara iyak.
At bigla ngang bumuhos ang ulan. Ang lungkot lungkot, kahit gusto mong sabihin, actually pwede ko naman talagang sabihin pero mas pinili ko kaibigan ko.
-----
Mabilis na nagdaan ang Christmas break, papunta na ako ngayon sa dorm, pagkalapag ko ng gamit ko ay nagpahinga lang ako saglit bago ko tinext si Gale. Sagot niya daw, kaya sa isang restaurant kami kumain.
"Hi baby, I miss you." bungad niya sa akin kaya nginitian ko na lang siya ng pilit.
"Hi." bati ko pabalik.
Inangkla naman niya ang braso niya sa braso ko. I tried my very best na magfocus sa kanya pero lumilipad lang ang utak ko at iisang tao lang ang naiisip ko. Miss ko na si Rad.
After namin kumain ay nag ikot pa kami. Masaya naman siya kasama kung tatanggalin mo yung well yung kaharutan niyang taglay. Sobrang clingy lang talaga ng taong to and nacoconscious ako.
Dumeretso naman kami sa gym after namin mag ikot. Nakasabay pa namin papasok si Jovs at Rad. Nagkatinginan naman kami ni Rad, sinamaan lang ako ng tingin at inirapan. Wow, miss na miss niya nga ako kaya siguro ganun.
"Bakit pala sumama ka pa?" tanong ko kay Gale habang tinatago ang pagkairita ko.
"Gusto lang kita mapanood." ngiti nitong tugon.
Napailing na lang ako sa isip ko at pinaupo na siya. Sigaw naman siya ng sigaw habang nagpapraktis kami, medyo nakakahiya dahil na din sa panunukso ng mga kateammates ko.
"Yiee, may supporter, jowa mo?" tanong ni Bea kaya agad ko siyang siniko.
"Tigilan mo nga ako." kunot noo kong sagot.
"I thought si ate Chel type mo eh. I can see those sparks flying when I'm around you guys."
"Akala ko din." sagot ko patungkol sa sparks pero binulong ko lang iyon kaya hindi niya narinig.
Hinati naman kami sa dalawang grupo as usual si Ara ang kakampi ko at yung 3 ay sa kabilang team. Hindi ko alam kung nang aasar si Rad o ano, dahil tuwing kami ni Jovs ang magkatapat ay chinicheer niya ito mapa opensa man o depensa kaya medyo naiirita ako.
"Kalma, baka magkasakitan kayo ni Jovs." pagpapaalala sa akin ni Ara.
"Nakakasira ng laro yung hilaw na german na yun." kunot noo kong sagot.
"Wooh selos ka lang eh." panunudyo niya.
"Selos niya mukha niya." sagot ko.
Hindi na ako muling nakipagmatch up kay Jovs, pag siya katapat ko ay agad ko ng pinapasa ang bola dahil ayoko ng icheer siya ni Rad kaso mo naman nung ginawa ko iyon at napansin niya, magchicheer siya kay Jovs tuwing hawak ko ang bola nakakapikon.
"Go baby!" sigaw ni Gale, luh siya.
"Go idol!" sigaw naman ni Rad.
"Oh kamusta puso?" natatawa kong tanong kay Ria kahit alam kong parehas lang kami ng nararamdaman.
"Patay na ate." sagot niya.
"Libing ko na ba mamaya?" tanong ni Bea.
"Move on na lang." sabay gulo ko sa buhok ni Ria. Payo ko yun sa kanya at sa sarili ko.
Pagkatapos ng training namin ay nagshower na din kami bago tuluyang umuwi. Umakbay naman ako kay Gale at nauna na kaming naglakad. Nasa 5'6 ang height niya kaya medyo malayo agwat namin.
"Thank you sa pag treat mo sakin today ha." saad ko.
"You're welcome. Ako nga dapat magpasalamat sayo. Isa lang naman akong hamak na fan pero napagbigyan mo." nakangiti niyang tugon.
"Reyes!" napatigil naman ako at nilingon siya, boses pa lang nakakasindak na.
"Oh?"
"Sabay na tayo, hindi ko makita susi ko." sabi niya kaya tinanggal ko na din ang pagkakaakbay ko kay Gale.
Nagpaalam naman na si Gale kaya ang awkward tuloy namin ni Rad.
"Kamusta bakasyon?" pagbasag ko ng katahimikan.
"Sakto lang." walang tono niyang sagot.
"Di ka ba masaya na nagpunta si Jovs dun?" tanong ko kahit ayoko namang malaman ang sagot niya.
"Masaya, hinanap siya ulit ni lala nung new year kaya nag overnight na siya dun."
Wow para naman akong sinaksak deretso sa puso nun, aprubado na sa pamilya ni Rad. Haaay.
Nang makarating naman kami sa dorm ay inilabas naman niya agad ang susi niya at binuksan agad ang pintuan ng dorm.
"Akala ko ba hindi mo makita?"
"Ayoko lang kasama mo yung Gale na yun." sagot niya at sumalampak sa sofa.
"Alam mo ang laki ng problema mo." kunot noo kong saad sa kanya.
"Mika you deserve someone better! Hindi yung malanding babaeng yun!" sigaw niya pabalik.
"And who are you para diktahan ako sa kung sinong dapat kong idate o hindi?! Ikaw ba pinapakialaman ka? Mind your own business Rad." sagot ko.
"Concern lang ako sayo! Sasaktan ka lang niyan."
Napaismid na lang ako, bakit? Ngayon ba hindi ako nasasaktan? Kahit ano namang gagawin ko masasaktan ako.
"Kaya ko sarili ko, isa pa hindi naman ikaw ang masasaktan." sagot ko at umakyat na.
"I'm just protecting you. Isa ka sa mahahalagang tao sa buhay ko." malumanay niyang paliwanag na nagpatigil sa akin.
"Thank you." yun na lang ang isinagot ko at hindi na lumingon pa sa kanya.
Nakaramdam ako ng kirot, mahalaga.... Hanggang dun lang naman diba? As if hindi ko sila nakitang magkahawak kamay ni Jovs kanina.
Ang sakit sakit sa mata makita yung ganun.
Ang biliiiiiiis. Pabayaan niya ako, masaya naman siya sa buhay niya.