MIKA "San ba tayo pupunta babe?" tanong ko dito. "Kay kuya Tim." Napakunot naman ang noo ko. Sino naman yung Tim na yun? "Sino yun? Lalaki mo?" tanong ko dito kaya binatukan niya ako. "Gago. Siya yung tumulong sa akin makauwi." Nakipagkita naman sa amin si kuya Tim sa isang parke malayo sa bahay namin dahil baka nagmamatyag daw yung kasamahan niya. "Rachel, ito pala si Mael, anak ko." pagpapakilala ni kuya Tim sa batang lalaking nasa edad 5. "Mael, si tita Rachel at tita Mika." "Hello po." nahihiyang tugon nito. Lumebel ako sa kanya at pinakita ang kamay kong walang laman. Inilagay ko ang kamay ko sa may tenga niya at umaktong may kinuha dito. "Tadaaah~~~" sabay pakita ko dito ng piso dahilan para mamangha siya kaya pumalakpak ito. "Halika." sabi ko sa bata kaya nang lumapit si

