MIKA Nasa daycare ako ngayon nagbabantay ng makukulit na bata dahil umalis si Rad at ayaw akong isama. Maghiwalay naman daw kami paminsan pero kakatext niya lang na miss niya na ako. Yung totoo? Narinig ko naman ang pagbukas ng sliding door kaya agad akong napatingin doon. Nakita ko si Gretch na bitbit si John, relatives pala sila? "Good morning mam." bati ni Ella kay Gretch. "Pinahatid lang sa akin itong pamangkin ko, sunduin ko siya ng mga 1:30." "Sige po mam." "Ate Mikaaaa!" sigaw ni John at nagtatakbo papunta sa akin. "Hi John, kamusta?" tanong ko dahil nung isang buwan ko pa siya huling nakita. "Okay lang po." saad nito at yumakap sa akin. "Hi Gretch." bati ko dito. Wala naman sana akong balak kausapin siya kung hindi niya ako makikita eh, kasi sumigaw si John. "Hi Ye. Di

