Chapter 32 PAGKATAPOS ng kasal nila Joel at Britney. Nagyaya naman si Uncle Fabian ng isang dinner para sa bagong kasal at piling bisita. Hindi na sila nag-abalang lumabas pa ng hotel. Doon na lang din sila nagpa-reserved sa kilalang restaurant. Hindi na sumama ang Mayor na nagkasal sa kanila. Dahil may importanteng lakad pa raw ito. Halos Filipino food ang inihain sa kanila ng nasabing restaurant. Mula kay Uncle Fabian nalaman din ni Britney na halos paborito ng asawa niya ang mga pagkaing nakahain sa kanila. “Heto hija, tikman mo ang bulalo ng Zamboanga. Napakasarap nito at masustansya,” alok ni Uncle Fabian. Iniabot nito ang isang bowl kay Britney na naglalaman ng bulalo. Agad iyong kinuha ni Joel at nilagyan ang sariling bowl ng asawa. Matapos iyon muli niyang ibinalik ang bo

