"Hanapin ninyo ang apo ko! Simpleng bagay lang ang pinapagawa ko sa inyo ay hindi n'yo pa magawa ng maayos?" malakas na sigaw ni Senior Amadeo Antonetti. "Lolo, huwag po kayong mag-alala dahil may lead na ho kami kung saan naghahanap sila Kuya Raymond. Sisiguraduhin ko ho sa inyo na mababawi ko si Roxanne kay Hanz at wala na siyang magagawa upang mapigilan niya kami." ani naman ni Raniel. "Ipapakasal ko si Roxanne kay Anton at wala ng makakapigil pa sa plano ko." dagdag niyang ani. Hindi kumibo si Senior Amadeo. Napabuntong hininga ito at naupo sa sofa. "Ibalik mo sa pamamahay na ito si Roxanne. Gawin mo ang lahat upang mabawi mo siya. Ayokong maghirap ang iyong kapatid kaya mangako ka sa akin Raniel na ibabalik mo dito si Roxanne." ani naman ni Senior Amadeo. "Huwag kayong mag-alala

