Roxanne's POV. Nakarating kami ng Baguio, nakahanap kami ng isang maliit na apartment na matutuluyan namin, liblib na lugar ang pinili ni Hanz na malayo sa kabihasnan dahil ayaw niyang may makakilala sa amin. Binigyan niya ako ng bagong pangalan na Rox Martin at siya naman si Andrew Martin upang hindi kami mahanap maging nila Kuya Raymond. "Babe, two thousand pesos na lang ang natitira nating pera, pinambayad ko dito sa apartment natin at ipinambili pa natin ng mga gamit na kailangan natin." ani ko. Nilapitan naman niya agad ako at niyakap ng mahigpit dahil alam niyang nag-aalala ako. Naipaliwanag na sa akin lahat ni Hanz ang tungkol kay Chantelle, hindi rin ako makapaniwala na may mga kakambal pala si Hanz na hindi pinalad na mabuhay. "Huwag kang mag-alala at bukas na bukas ay maghaha

