Twelve Lance's POV Iniwanan siya ni Diwata sa bahay ng mga magulang nito kasama sina Johnny at Roberto. Umalis si Diwata kasama sila George at Kevin, hindi naman niya alam kung saan pupunta ang mga ito. Kahapon kasi dumating ang mga kasamahan na pulis ni Diwata, mula kahapon hindi na niya nakausap ng matino si Diwata. Nasabi na niya kay Diwata na liligawan na niya ito pero hindi pa man niya nasisimulan ito naman at may kundisyon pa muna bago siya magsimula na manligaw. "Ang lalim yata ng iniisip mo boss?"puna sa kanya ni Johnny. "Medyo, may kilala ka bang magaling sa pakikipagsuntukan"tanong niya dito. "Ha!!!"gulat naman ito sa tanong niya. Maging si Roberto halata din ang gulat sa mukha nito. may nakakagulat bas a sinabi niya. "Bakit bigla yatang gusto mong mag-aral ng boxing? bo

