Vienna POV
Nasa hallway palang ako ng makarinig ako ng sigawan mula sa hindi kalayuan at nakita ko din na nagsipagtakbuhan ang ilan sa mga chismosang estudyante sa pinagmumulan ng sigaw na yun.
Agad napataas ang kilay ko. Ano na namang nangyayare dun? Ang aga aga eskandalo agad ang bubungad sakin sa school na toh? Bwisit. At dahil sa dala na din ng Kuryosidad ko naglakad na din ako papunta sa gulo na yun.
" Ow, kawawa naman si Ate."
" Diba siya din yung transferee na nakabato ng coke in can kay Vee kahapon?"
Wow ah lakas maka Vee ng isang toh ah. Pasalamat siya wala ako sa mood magtaray ngayon dahil busy ako sa pakikinig kung ano bang nangyayare. Hindi ko kasi makita mula dito sa kinatatayuan ko kung ano bang kaguluhan meron dito.
At transferee? You mean yung girl na mala dyosa--- este yung babaeng tatanga tangang bumato sakin ng coke in can yung dahilan ng gulo dito? Aba mukhang may bago na namang mabibiktima ang mga bully sa school na toh.
" Ano pumalag ka. Masyado kang nagmamaganda dito sa eskwelahan na toh eh isa ka lang namang hampaslupa!" Rinig kong sigaw ng medyo pamilyar na boses para sakin.
Narinig kong nagkatilian yung mga estudyante kaya mas lalo pa akong na curious. Ayoko namang makipagsiksikan sa mga estudyante at baka kumapit pa ang amoy nila sa uniform ko. Ayoko ngang may ibang pabango o mabahong amoy ang dumikit sakin nakakadiri.
" Wala bang aawat sa kanila? Nakakaawa na yung itsura niya. Dumugo na yung ilong niya."
"Bakit kaya hindi ikaw ang tumulong sa kanya." Sambit ko.
" Bakit ako? Ikaw nalang ikaw naman naka----" Naputol yung dapat niyang sasabihin ng humarap siya sakin. Napayuko agad siya ng makita niyang ako yung nasa likod niya. " V-Vee."
Napataas ang kilay ko sa tinawag niya sakin. " Who told you na tawagin ako sa pangalan na yan? Are we even friends?" Pagtataray ko sa kanya.
Sa lahat ayokong tinatawag ako ng Vee lalo na kung hindi ko naman siya friend at kapamilya. May sasabihin pa sana siya pero itinaas ko lang ang kamay ko sa harap niya para pahintuin siya.
" Never mind, I'm not interested in what you want to say. Get lost loser. Tsk." Tinarayan ko siya bago ako lumagpas sa kanya.
Tsaka ko lang napansin na sakin na pala nakatingin yung mga estudyante kaya inirapan ko silang lahat at nag give way sakin.
" Hindi ka pa ba aalis sa harapan ko? O gusto mo pa talagang masaktan."
Tsk! This freaking b***h. Sabi na eh kaya pala pamilyar sakin ang boses na yun dahil siya pala ang pinsan kong isa ding b***h. Nakaluhod ang isang paa niya habang hawak niya ang mukha ng isang babae. Mukhang hindi pa ako nakikita ng b***h cousin ko.
Si Aikee ang pinsan kong war freak at napaka b***h niya. Tsk! Ang aga aga gulo agad ang dinala ng kumag na toh.
Sabagay kelan ba nabuo ang araw niya na hindi makagawa ng gulo? Eh halos araw araw o kung minsan pa nga eh oras oras may gulo siyang dinadala. Kaya sakit siya sa ulo nila Tito eh.
Napatingin ako sa babaeng halos nakasubob na yung mukha sa sahig. Napansin ko din ang ilang tulo ng dugo sa sahig. What the heck!
Akmang sasapakin ng pinsan ko yung babae ng batuhin ko siya ng isang libro na kinuha ko pa mula sa estudyanteng nasa gilid ko.
" What the f**k! Who did that? " Inis na sambit niya at lumingon sa kinaroroonan ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng mapansin niya ako. Napuyoko pa siya at halatang naiinis siya.
" f**k! Kapag minamalas ka nga naman!" Rinig kong sambit niya.
Lumapit ako sa kinaroroonan nilang dalawa. Sinipa ko ng marahan ang braso niya. Dahilan para mapaupo siya sa sahig.
" What the ---Ano bang problema mo, Y ---I mean Vee" Halatang nagpipigil siya ng inis sakin. Tsk! Dpat lang na pigilan niya yang inis niya sakin at baka masapak ko siya.
Tinignan ko siya ng naka pokerface habang naka crossed arms sa harap niya. Agad niyang kinuha yung bag niya sa sahig at umalis na ng walang sinasabi pa.
Tsk buti nalang at takot pa din sakin hanggang ngayon ang babaeng yun. Pero dapat lang talaga na matakot siya kung ayaw niyang paliparin ko siya papuntang New York ngayon din.
Akmang aalis na sana ako nang may humawak sa binti ko. Muntik na akong mapatili dahil sa gulat at itsura nung babaeng nakasubsob pa rin yung mukha sa sahig.
"T-thanks." Rinig kong sambit niya.
Napairap naman ako sa hangin. Anong akala niya tinulungan ko talaga siya? Tsk! In her dreams. Kaya ko lang naman ginawa yun para sa pinsan ko at hindi para sa kanya. Assuming din tong isang toh eh.
"Tsk! Whatever!" Sambit ko at nilagpasan siya.
" Miss Song!" Rinig kong tawag sakin.
At tulad nga ng sinabi ko kahit nakatalikod ako alam ko kung kanino galing ang boses na yun. Napangiti naman akong humarap sa kanya at gayon nalang ang gulat ko ng sampalin niya ako. What the!?
" What the!? What is your problem?" Takang tanong ko sa kanya. f**k! ang sakit ng sampal na yun ah. Nagising ang diwa ko sa sampal na yun.
" Ikaw pa may ganang magtanong ng ganyan sakin? Ano na namang gulo toh huh?" Ang sama ng tingin na pinupukol niya sakin.
Hindi makapaniwalang natawa ako sa sinabi niya. So, ako yung sinisisi niya dito? Porket ako yung nakikita niyang malapit? Napaka ano Talaga ng Martinez na toh. Kung hindi ko lang gusto ang babae na toh matagal ko na siyang pinatulan.
" What did you say?" Napa smirk ako sa kanya at agad ding nagseryoso. Nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya naman lumapit ako sa kanya na agad din naman niyang ikinaatras at napatingin pa sa ibang direksyon.
" W-what are you d-doing?" Mautal utal na sambit niya habang hindi makatingin sakin. Napangiti ako sa kanya na agad niyang kinasimangutan. May takot din pala ang isang Martinez sakin. Tsk.
" I have to go." Sambit ko at tinalikuran ko na siya. " it's better to bring her to the clinic." Sambit ko bago tuluyan siyang iwan dun.
~~~~
Nasa rooftop ako ngayon kung saan ang napili kong tambayan mag isa. Minsan mas gusto kong nag iisa. Yung tahimik lang. Yung kahit sandali lang ay nakakalimutan ko ang problema ko.
Habang sila Skyler nasa cafeteria gutom daw kasi sila at dahil hindi naman ako gutom eh mas pinili ko nalang dito sa rooftop.
" Bakit mo ginawa yon?" Rinig kong sabi ng kung sino. Napatingin ako sa tapat ko. Napatsk nalang ako sa kanya.
" Wag mo kong matsk tsk dyan babae ka. Binato mo na ako sinipa mo pa. kakaiba ka ding magtanggol babae ka eh. Sabihin mo nga sakin type mo yung babae noh?" Sinamaan ko siya ng tingin pero ang gaga nag smirk lang sakin. "Balita ko nabato ka daw kahapon ng coke in can nun ah. At ang napaka imposible pa dun hindi mo man lang natarayan? So I guess tama nga ako. Type mo yung malanding transferee na yun." Pang-aasar niya.
" Tsk! Ang dami mong alam." Inirapan ko lang siya.
" Wow hindi man lang dineny oh." Pang aasar niya pa at talagang inakbayan pa ako.
" Don't touch me you b***h!" Inis na sambit ko at tinulak ko siya.
" Asus yung mga ganyang galawan mo, Yena alam ko naman na type mo talaga yun eh." Sambit niya at akmang kikilitiin pa sana ako.
Yena ang tinatawag sakin ng b***h na toh at siya lang din ang pinapayagan kong tumawag sakin nun kahit sa mga magulang at kapatid ko, Vee na ang tawag sakin.
" Don't you dare or else I'm gonna kick your ass out of here." Sabay irap ko sa kanya. Napahinto naman siya at napapout.
Yuck, it's gross. Sometimes, I can't believe that I am her cousin. Like what the heck? She's a war freak b***h, but a childish one too. I feel annoyed when she acts like a stupid b***h.
"Stop." Sambit ko pero lalong humaba ang nguso niya. Tsk!
"Sabihin mo munang type mo nga yung girl na yun." Sambit niya habang nakanguso pa din. f**k!
Bakit ba pinagpipilitan niyang gusto ko yung babaeng yon? Tsk porket ba sa tingin niya eh tinulungan ko yun eh type ko na. Like duh mas maganda pa ako sa babaeng yon.
" Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Anong bakit?" Balik niyang tanong. Napairap ako sa kanya.
"Bakit mo ginawa yun sa kanya?" Tanong ko.
"Uy! Concern siya. Ayyiiee. Akala ko ba si Martinez ka?" Pang aasar niya.
Konti nalang masasapak ko na tong babaeng toh eh. Isa pa yung Martinez na yun. Siya ang dahilan kung bakit mas ginusto ko dito sa rooftop tumambay ngayon eh.
Paano ba naman habang nagli lecture yung prof namin siya namang dating niya at in-excuse ako para lang papuntahin ng Guidance. Dahil daw dun sa nangyare kanina. Ako talaga yung sinisisi niya sa gulong gawa ng magaling kong pinsan.
" Manahimik ka." Sinamaan ko siya ng tingin na agad naman niyang kinatakutan at nanahimik. " So, Bakit mo ginawa sa kanya yon?" Tanong ko habang nasa malayo ang tingin.
Hinihintay ko ang magiging sagot niya. Ngunit nakalipas na ang 5 minuto ay hindi pa rin ito sumasagot. Bumaling ako sa kanya ng tingin at hinintay pa din ang sasabihin niya.
At dahil sa mabilis akong maubusan ng pasensya ay agad ko itong binatukan. Nakakainis ang tagal sumagot ang dali dali lang ng tanong ko nang-aasar lang ata ang b***h na toh.
"Aray ko naman, Yena. Masyado ka talagang sadista kaya hindi ka binibigyang pansin ng Martinez na yun eh." Sambit niya habang hawak hawak ang batok niya.
" Napakatagal mong sumagot kaya nararapat lang sayo yan. At tigil tigilan mo ang kakabanggit sa pangalan ng babaeng yun at baka pagbuhulin ko kayong dalawa. " Naiinis na sambit ko.
"Sige ka kapag ginawa mo yun malamang na magselos ka. " pagmamalaki niya pa. Tsk! Kahit kelan hinding hindi ako magseselos sa babaeng toh. Masyado akong maganda para pagselosan siya if ever. Yuck!
" Wag mong ibahin yung usapan babae. Sagutin mo ko." Inis na talagang sambit ko.
" Baliw ka na pinsan bawal ang i****t kadiri ka. Yuck! Its so gross eww." Pandidiri niya pa na akala mo naman talaga eh babaeng babae. Hindi bagay sa kanya nagmumukha siyang sigang bakla.
Agad siyang nakatikim na naman ng malakas na batok na halos ikatumba na niya sa kinauupuan niya. Kahit kelan talaga walang kwentang kausap ang babaeng toh. Bagay silang magsama ni Skyler. Parehas may mga problema sa utak.
" Sagutin mo ng maayos ang tanong ko kung ayaw mong isumbong ko lahat ng kalokohan mo kanila Tito." Pananakot ko sa kanya.
" Eto namang magandang pinsan ko masyadong seryoso. Bawal na ba magjoke?" Sambit niya. Sinamaan ko ulit siya ng tingin. " Eh kasi naman masyado silang close ni Janicka. Alam mo naman na crush ko yun diba. Sobrang baliw ako sa babaeng yun tsaka hirap akong magpapansin dun tapos sila na ngayon lang nagkakilala close agad agad? Kaya ayun inaway ko siya kanina dala ng selos ko." Mahabang paliwanag niya habang nakayuko.
Yeah Aikee is a bisexual too pero para kaya Janicka Taki lang siya nagiging baluktot. Crush niya si Janicka since elementary days pa namin magkakaklase kasi kaming lima nun. Ako, si Aikee, si Janicka ,si Patch at si Tobi. Bestfriend ko din dati si Janicka and Tobi. But after they knew what my cousin's s*x preferences eh nilayuan na nila kaming dalawa. Si Tobi ay nasa Canada na ayon sa parents ko ay nagkaron sila ng problema dun kaya naman mas pinili nalang nilang manirahan dun. Si Janicka naman ay ka schoolmate nga namin. Isa din siya sa mga member ng student council namin.
" Tsk! Napaka immature mo pa din talaga. Paano kung dating magkaibigan yung dalawa? Hindi ka nag iisip. Wag puro emosyon ang pairalin mo utak muna!" Inis na sabi ko sa kanya. Naiinis talaga ako sa mga taong ang dali daling magselos at kung minsan wala pa sa lugar. Tsk. " Tsaka paano ka makakadiskarte ng maayos kay Jan kung ganyan yung pinapakita mo?"
Napayuko siya dahil sa sinabi ko. Ako naman napahawak sa noo ko dahil sa frustration dahil dito sa pinsan kong toh. Sabi niya dati gusto niyang maging maganda yung record niya kay Janicka bago niya ligawan eh paano pa niya maliligawan kapag nalaman niya yung ginawa niya dun sa taong close nung taong gusto niya?
" Eh a-ang s-sakit naman k-kasing makita siyang m-masayang tumatawa sa i-iba." Humihikbing sambit niya.
Napabuntong hininga ako dahil naawa ako sa pinsan ko na toh. Masyado talagang malakas ang tama niya kay Janicka. " Ganun talaga, Tsaka kung totoong gusto mo siya dapat matuwa ka pa nga dahil masaya siya kesa naman malungkot siya."sambit ko.
" Eh g-gusto ko a-ako yung magpapasaya sa kanya." Umiiyak na sambit niya.
" Then make a move." Sambit ko. Napa angat siya ng tingin sakin. Ngumiti ako sa kanya. Diba tulad nga ng sabi ko sa pamilya ko nagiging ganito akong tao. Nagiging mabait ako pagdating sa kanila. Nawawala yung pagiging b***h ko.
Ngumiti siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat my b***h cousin."
"Tsk! B-bitawan mo nga ako....hindi ako...makahinga....tsaka...yung sipon mo...nasa uniform ko na...Yuck!" Sambit ko habang pinipilit siyang itulak palayo sakin pero mas lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya sakin. Nakakainis ang babaeng toh. Masyado siyang magaling pikunin ako.
~~~~
" Nga pala Vee, Bakit ka nga pala pinatawag ni Martinez kanina?" Tanong ni Patch habang naglalakad kami papunta ng parking lot.
" Siguro inaya ka na niya ng date noh. Yiiee." May pagsundot sa tagiliran pang sambit ni Skyler sakin.
Tss! Sana nga ganun nalang yung nangyare kanina pero hindi. Kapag naalala ko talaga yung ginawa niya kanina sakin. Nababadtrip ako. Ako yung sinisisi niya sa hindi ko naman ginawa. Porket ako ang nakita niyang nandun sa gitna kasama ng babaeng yun ako na agad yung nagsimula ng gulo. Ano bang tingin niya sakin trouble maker?
Bakit hindi ba? Shut up mind. Well yeah may pagka trouble maker naman talaga ako pero hindi naman ganun kalala. Mga slight lang yung mananampal at nagpapaluhod lang naman ako. Ay isama na din pala natin yung minsanang pambubully ko.
"Well parang ganun na nga." Ngumisi ako sa kanila. Yung ngisi na hindi ka na magdadalawang isip pa para maniwala.
Well, Ayoko ngang sabihin sa kanila yung totoo. Paniguradong pagtatawanan at aasarin lang ako ng mga toh. Grrr.
" Yun oh! Mukhang gumagana na ang karisma mo sa kanya Vee. Siya na nag aaya sayo." Nakangiting sambit ni Patch. Halata ngang napaniwala ko sila sa sinabi ko.
Sana lang hindi yun makarating kay Martinez. Well, I'm not afraid for Martinez, but for my friends. I know when they know the truth. I'm pretty sure that they're getting mad at me. Sorry gals.
" So, I'll go na Vee, So see yah!" Nagmamadaling sambit ni Sky habang kumakaway samin nila Patch.
"Ako din mauuna na Vee. Bye." Sambit ni Patch at bumeso pa sakin tsaka kay Raegan bago tuluyang umalis.
Narinig kong nag clear throat si Raegan kaya napatingin ako sa kanya. Kanina pa tahimik ang isang toh. Well, samin naman talagang apat si Raegan yung madalang magsalita. Ano pa nga bang bago Vienna?
"Hep, bago ka tuluyang umalis. Dapat na mauna ako ganun dapat kapag mas maganda ka keysa sa kasama mo." Inirapan ko siya at nag flip pa ng hair sa harap niya.
And well kay Raegan ko lang din minsan nailalabas yung pagiging jolly ko. Yung pagiging natural na ako mas malaki kasi ang tiwala ko kay Raegan kesa dun sa dalawa. Tsk.
"Psh! Crazy bitch." Sambit niya at ginulo pa yung buhok ko. Tsk!
" Ano ba Raegan! Kailangan guluhin talaga yung buhok ko. Napaka mo talaga!" Sinamaan ko siya ng tingin habang hinahampas ko lang yung braso niya pero ang gaga nakangiti lang sakin.
"Chill na Vee, masakit na." Tatawa tawa pang sambit niya kaya mas lalo ko lang siya hinampas.
" Ang sweet naman."
Napatigil ako sa paghampas kay Raegan nang makarinig ako ng boses mula sa likod namin. Lumingon kami ni Raegan dun sa nagsalita at napangisi ako sa taong yon ngunit agad ding nabura ang ngisi sa mukha ko ng makita kung sino ang taong kasama ng babaeng gusto ko.
" You know, You two look really good together. Bakit hindi niyo subukan ang isa't isa." May tonong pang aasar sa boses ni Martinez. Habang nakakaloko ang ngiti sa kanyang mga labi.
She just said na bagay kami ni Raegan? Na dapat bigyan namin ng chance ang isa't isa? Hindi ba niya alam na nakakasakit na siya? Na ang sakit na mang-galing sa taong gusto mo na sabihin ang salita na yon?
Yung puso ko onti onti niya talagang dinudurog alam ko naman eh. Alam ko naman tlagang ayaw niya sakin. Na wala naman talaga akong pag-asa sa kanya. Pero sana man lang aware siya sa nararamdaman ko. Na kahit b***h ako tao pa din ako na nasasaktan sa mga sinasabi niya.
Gustong gusto ko talaga siya hindi ko na nga alam kung gusto pa ba toh o mahal ko na talaga siya. Sa sobrang tagal ko pa naman na nagkakaagusto sa kanya sa tingin ko hindi na ito basta bastang gusto na lang.
Since Elementary days namin crush ko na siya. Siya talaga yung babae na nagpabaliko sakin. Siya din yung babae na sobra sobra kong hinhangaan sa lahat ng bagay. Hindi lang dahil sa Maganda at matalino siya o laging siya ang President ng school council namin. kundi dahil sa pagiging talented niya. Matalino, Magaling kumanta at sumayaw kaya niya ding tumugtog ng kahit anong klase ng instruments at isa din siya sa mga hinahangaan pagdating sa sports.
Madami siyang kakayahan na kahit ni isa man lang ata sa mga nabanggit ko ay hindi ko kaya. Kaya naman ganun nalang kabilis akong nahulog sa kanya.
" You know what Miss President? I'm glad that you notice that we're looking good together. But, Don't you see? Vienna has a feeling for you. Sana maging aware ka na may nasasaktan ka ng tao." Seryosong sambit ni Raegan sa kanya.
Tila naman natigilan si Mayumi sa narinig mula kay Raegan. Na animo'y naghahanap ng tamang sasabihin. Magsasalita na sana ako ng magsalita ang kasama nito.
" Uhm. H-hi." Alanganin itong ngumiti sa amin at naiinis ako na makita ang ngiting yun. Napaka plastik niyang tignan. Tsk sino ba siya? At kasama niya si Mayumi? Mag kaano ano silang dalawa?
Nakaramdam ako ng pagka init ng mukha ko hindi dahil sa kilig. Dahil ito sa inis sa babaeng nasa harapan ko. Wala siyang karapatan na dikitan si Mayumi. Akin lang si Martinez!
"Calm Down, Vee." Pabulong na sambit ni Raegan.
Kaya naman pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pumikit ako upang kumalma ngunit lalo lang ako naiinis. Kaya naman nagmulat ako ng mata at tinignan ng masama ang babaeng iyon. Yung tingin ko na kahit sino ay matatakot. At hindi naman ako nabigo dahil halata sa mukhaniya na nasindak siya sa mga tingin ko.
"U-uhm I think I should g-go." Nagkanda utal utal ito sa pagsasalita at sa iba binaling ang kanyang tingin.
Napangiti naman ako dahil sa naging reaksyon niya. Buti naman at nakaramdam siya na hindi siya kabilang sa usapan dito at ayoko sa kanya.
Paalis na sana ang babaing iyon ng makita kong hawakan ni Martinez sa braso ang babaeng iyon. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga mata ko dahil sa ginawa niyang iyon.
"Diba sabi ko sabay tayong uuwi." Napakalambing ng boses na iyon ni Mayumi habang nakakapit pa ito sa braso ng epal na babaeng yon.
Mabilis na nag-init ang ulo ko dahil sa nakikita ko. Hindi pwede ang nasa isip ko. Ako lang dapat ang ginaganyan ni Martinez kasi sakin lang siya.
"U-uhm m-marami pa kasi akong gagawin." Sambit nung babae.
Sa sobrang hindi na ako makatiis ay sumabat na ako sa usapan nila. Hindi maari toh. Hindi pwede ang nasa isip ko. Tama nga si Aikee malandi ang babaeng toh. Hindi niy pwedeng makuha ang mga babaeng ngugustuhan namin ng pinsan ko. Magkamatayan na.
" Who is she?" Mataray na tanong ko kay Mayumi samantalang dun ako sa babae nakatingin habang nakataas pa ang isang kilay ko.
Halata na naman ang takot sa mukha nito at yumuko na lamang. Napangisi ako at napatingin kay Mayumi na ngayon ay nakangisi ding nakatangin sakin. Inirapan ko na lamang siya.
" Vee meet Zoe my future gf, And Zoe me--" hindi ko na pinatapos si Mayumi na magsalita.
" What did you say?" Mataray na sambit ko atunti unti akong lumalait sa kanya. " No one can be your gf except for me. Just me and only me."
Tinitigan ko siya sa kanyang mata at napangisi nalang ako ng makita ko ang paglunok niya.
Akin ka lang Mayumi Martinez, walang pwedeng umangkin sayo kundi ako lang. Kahit sino pa ang maging karibal ko gagawin ko lahat mapasakin ka lang.