Chapter 14

3363 Words
FIGHTS "Grabe! Hindi ko inexpect na ganito karami ang manunuod satin." Masayang sambit ni Anaiza. Kasalukuyan kaming nasa fitting room. Nagbibihis na dahil kakatapos lang namin magperform ng play. "Pero nagmumukhang hindi successful ang performance natin dahil sa isa d'yan." "Oo nga." Pagsang-ayon ni Melissa sa sinabi ni Gwen sabay baling sakin. "By the way, you seems distracted, Rain. May problema ka ba?" Napahinto ako at napatitig sa kanila. "Uh...w-wala naman." "Kanina ka pa kasi wala sa focus. Buti na lang, hindi nakaapekto sa performance natin. Kapag nagkataon, siguradong magagalit satin si Director Shen." "Fortunately, we done it properly so tapos na ba kayo? Tara na. Baka inaantay na nila tayo." Tumayo ako at sinukbit ang string bag ko sa balikat. Bahagya rin akong bumaluktot para damputin ang pinaglagyan ko ng mga ginamit na damit sa play. After that, I followed them. Hindi naman ako ganito kanina. Even this is my first time to perform in front of many audiences as lead actress, yeah! I'm nervous a bit but that's all. Not until I saw him in his poker face. I also saw how his jaw clenching badly while watching me doing that scene with Ranz. At hindi naman dapat iyon ginagawang big deal since parte lang iyon ng isang play. I don't understand though why Aki acted that way. Ilang araw ko ng napupuna ang pagiging seloso at clingy niya. I know that I should be happy since it means that he really loved me. Pero ibang usapan na kapag bad mood siya. Besides, aware naman ako na banta si Ranz para sa kanya ngunit malinaw kong kinlaro sa kanya na kaibigan lang talaga ang turing ko rito. "Sa The Fort ang celebration di ba?" I briefly asked. Nakahinto na at pinagmamasdan ang kasalungat na hallway. "Yeah. Bakit?" Si Melissa na huminto sa paglalakad at kuryoso akong nilingon. "Mauna na kayo. May dadaanan pa kasi ako. Susunod na lang ako." Saka lang ako lumingon pabalik sa kanya no'ng sinagot ko siya. I half smiled when she puckered her forehead. Hindi naman ganon kainteresado ang mga kasama ko maliban kay Melissa dahil siya lang itong kaclose ko sa theatre club. Kaya nga siya lang itong huminto para magtanong. Kung hindi nga lang siya maiiwan ng mga kasama, siguradong iintrigahin niya pa ko. "Mauna na kami kung ganon." Sambit niya na ikinatungo ko lamang. Matipid siyang ngumiti pagkuwa'y tinalikuran ako. Sinundan ko siya ng tingin at inantay na mahabol niya ang mga kasama namin bago ko binagtas ang daan patungong parking lot. May kasabayan naman ako sa paglalakad. Yung ibang estudyanteng nanood ng play kaya kahit gabi na, hindi nakakapangamba ang mag-isa. Habang naglalakad, kinuha ko ang phone at agad na tinawagan si Aki. Hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya ng personal ng isang buong araw. Abala ako simula umaga sa paghahanda para sa play pero nakapag-usap naman kami sa phone. At kasama sa napag-usapan namin ang hindi ko pagsabay sa kanya sa pag-uwi since may pupuntahan pa kaming mga kasama ko sa theatre club for celebration. Nagpaalam ako sa kanya right before the performance. Ramdam kong doon pa lang hindi na siya sang-ayon. Nakakainis lang dahil binalewala ko iyon. Masyado kong tinuon ang pansin ko sa play pagkatapos may nakita pa siya na hindi niya gusto. Kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang sagutin ang tawag ko. I can't help though but sighed heavily. Versant voice lang ang naririnig ko tuwing tinatawagan ko siya kaya minadali ko na ang sarili patungo sa parking lot. Hindi ako sigurado kung nando'n pa siya. Sana lang ay maabutan ko pa siya kahit malabo. Kung kalkulahin kasi ang lumipas na minuto, malamang ay nakaalis na siya ngayon. However, I still hope that he's there. Luckily, nakapalit ako ng suot na sapatos so I can run as fast as I could. Even though I'm still in my French hairdo and nude make up, damit at kasuotan sa paa lang ang umiba. May nakakasalubong pa nga ko na binabati ako. I just greeted them back gladly and quickly. Sapo ang aking dibdib, nilibot ko ang aking mata sa paligid ng parking lot. Buti na lang, kaunti lang ang mga sasakyang nakapark kaya mabilis kong nakita si Aki. "Thanks God!" I whispered the moment I saw him. Binilisan ko ang lakad at akma siyang tatawagin ng mapagtantong hindi siya nag-iisa. Naiwan sa ere ang aking sasabihin. Hindi na ko tuluyang nakalapit dahil napahinto ako at kuryoso silang pinanuod. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Achilles raised his side lips with sarcasm when he heard what had Ranz told. Nanigas ako sa kinatatayuan dahil ito ang unang beses na nakitaan ko sila ng mga negatibong ekspresyon para sa isa't isa. They used to talk in front of me without any emotion written in their face. Kung ganon, nagkukunware lang sila sakin all this time? Kahit sino ang makakakita sa kanila, iisipin na sobrang tagal na nilang magkakilala. "Hindi na 'yan bago sa pandinig ko. You're always acting dumb since then." I don't know what's going on. Ang alam ko lang nasasaktan ako na nakikita silang nag-aaway. "Ako pa rin ba ang sinisisi mo sa pag-alis ni—" Mabilis na dumapo ang aking palad sa bibig nang sinuntok ni Achilles si Ranz na s'yang dahilan para hindi matuloy ang sasabihin nito. Dagliang kinuha ni Darius si Aki at humarang ito sa harapan habang dinaluhan ng mga kasama niya si Ranz. "Achilles!" "Subukan mong banggitin ang pangalan niya at hindi lang yan ang mapapala mo." Banta ni Aki, ni hindi pinansin ang pagsaway sa kanya ng pinsan. Napadako ang tingin ko kay Ranz na marahang pinunasan ang dugo sa kanyang labi. Walang emosyon niya rin tinignan ang dugo sa kamay niyang pinangpunas. Aksidente siyang napatingin sa gawi ko pagkatapos. Nakita ko ang dagliang pagkagulat niya. Inaasahan ko ng mapapalingon din ang mga kasama niya, ganon din si Aki at Darius. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Napansin ko rin ang pagtitigan nilang walang laman pagkalipas ng ilang segundo at sabay na pag-iwas ng tingin sa magkasalungat na direksyon. Nagsimula akong humakbang upang lumapit sa kanila. Kinuha ko ang kamay ni Ranz, nilapat ang panyo sa kanyang palad at kinuyom ito. "I'm sorry." "Why are you saying sorry when it's not your fault?" Tanong niya kasabay ng marahas na pagsinghap ni Aki sa aking likuran. Nakarinig rin ako ng yapak afterwards kaya aware akong nagwalkout siya. "Saying sorry doesn't always mean that you're taking the blame." I smiled sadly. He close his mouth in disbelief as he dodge his eyes away from me. Mukhang walang masabi. For a short period of time, I get to know Ranz more. Hindi siya ang tipo ng tao na mawawalan ng katwiran. Kaso ayoko na rin isipin kung bakit ang bilis niyang tumiklop ngayon. I was in pain but I don't want to show it to them. Kung kanina hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila, ngayon nakuha ko na. At masakit para sakin 'yon lalo na ang inakto ni Aki. Subalit hindi ko magawang magalit. Hindi ko kaya. "f**k! What do you think are you doing?" Asik ni Achilles nang hinarangan ko ang sasakyan niya. Pinigilan pa ko ni Ranz sa gagawin ko ngunit wala na siyang nagawa no'ng tumakbo ako. Kinabahan din naman ako sa ginawa ko lalo na't muntikan na kong masagasaan. Yet I'm willing to risk my life just for him. Ganon ko siya kamahal. "Are you crazy?" Muli niyang sambit nang makalapit sakin. In split seconds, I saw how he gritted his teeth in annoyance. His two brows converged too. Ramdam kong galit talaga siya dahil sa paraan ng paghawak niya sa magkabilaang braso ko. "You're the one who make me crazy." I calmly said that made him shut his eyes and exhaled violently. I bit my lower lip as I sadly watched him. His grip loosened up. Sa pagmulat niya, hinila niya ko palapit sa kanyang bisig at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry." He whispered. This time in soft and hoarse voice. "I didn't mean to shout at you." See? Paano ba magalit kung ganito siya? Wala pa ngang minuto, nagsosorry na agad. "It's fine, Aki. I understand." Humiwalay siya sakin pagkuwa'y pinasadahan ako ng tingin. Kalmado na rin ngayon ang kanyang ekspresyon. Hindi nga lang ako sigurado kung nawala nga ba ang iritasyon at galit niya. Baka nagkukunware lang siya na okay ang lahat dahil kaharap niya ko. "You should go." Tumungo ako, naiintindihan ang tinutukoy niya. "Sige." I half smiled then started to walk toward his car. Bago pa man ako makapasok sa front seat, nahagip ko pa ang bahagyang pag-awang ng kanyang labi. His interrogative eyes directly stared at me as if there's no transparent glass between us. Sinalubong ko rin naman ang titig niya, hindi nagpatalo. I even wrinkled my forehead, pretending that I don't get what he's doing. Sa huli, suminghap siya at nagsimulang maglakad. Hindi ko na nagawang sundan pa siya ng tingin dahil tinuon ko ang pansin sa pagkakabit ng seatbelt. Maya-maya lang ay nakapasok na rin siya, hindi nga lang agad pinaandar ang makina ng sasakyan. "What I mean is you should go to the party, not here." "Why would I go there if you're here? Hindi ako pupunta. Hindi rin naman ako mag-ienjoy." At binaling ko ang tingin sa labas. Ramdam ko ang panititig niya ngunit isinawalang bahala ko ito. Hindi ako sigurado kung kailan umalis si Ranz at mga kasama niya. I'm too busy with Achilles to noticed them. Si Darius naman ay kanina pa umalis, nauna na. I'm also not sure about how I feel right now. Their conversation bothers me. Kahit anong pilit kong kalimutan, hindi maalis-alis sa isipan ko. Gusto kong tanungin kung anong nangyayari pero natatakot ako. Natatakot akong malaman ang totoo.. "Blooming natin palagi ah. Parang araw-araw nadidiligan." Nanunuksong komento ni Era pagkaupong-pagkaupo ko sa high chair. Sinimangutan ko siya at bahagyang pinasadahan ang paligid. "Maraming customers. Hindi ba ko makakaabala?" "Sus customer din naman kita. And...don't change the subject." Pinaningkitan niya ko na s'yang dahilan para umismid ako. "I'm not and...you should be the one to change it." Pagkatapos inilipat ko ang atensyon sa menu book na nakalapag sa countertop. Isinawalang bahala ang mapang-asar niyang pagngisi. This my second time to visit here in Era's restaurant. Noong lunes ang unang beses na dinala niya ko rito. The ambiance of the place was friendly to nature. Most of the designs were real plants, flowers and bamboos as wallpaper. Kasabay ng pagtatapos ng foundation week, ang pagsisimula ng Christmas vacation. Since next monday na ang flight ko papuntang London, napagpasyahan kong ubusin ang isang linggo ko sa pakikipagbonding kay Era at kay Achilles. Nararamdaman ko na kasi na medyo matatagalan ako roon kahit wala pa naman talagang sinasabi si Dad kung gaano kami katagal magsistay do'n. After ibigay ni Era ang inorder ko, naging abala na siya sa mga sumunod na oras. Isang food at drinks lang ang inorder ko. Iyong madaling ihain. Ayoko naman na dagdagan pa ang trabaho niya. Maraming customer ngayon katulad ng madalas niyang sinasabi kapag Christmas vacation. Mas mabenta sila kapag ganitong season. I offered her a help but she refused. May kasama rin kasi siyang part timer at kaya niya naman daw ang trabaho ng mag-isa. Hindi niya raw kailangan ang tulong ko so hindi ko na siya pinilit pa. "Kailan nga pala ang flight mo?" Aniya habang nagliligpit ng pinagkainan sa counter. Kita talaga sa mukha niya ang willingness dahil hindi naging hadlang ang pawis at pagod sa mukha niya para huminto sa pagtatrabaho. "Sa susunod na lunes." Sagot ko saka tumuwid sa pagkakaupo habang nilulugay ang shake gamit ang straw nito. "Nagpaalam ka na sa boyfriend mo?" Sulyap niya. I took a sip from dark forest shake before I nodded as an answer. "Sayang naman. First motmot niyo na sa pasko pero hindi kayo magkasama." My forehead creased upon hearing what she told. Hindi ko kasi iyon naintindihan. "Motmot?" Humagalpak siya ng tawa. "Naku! Mayaman ka talaga. Motmot, monthsarry sa mayamang term." Ikinataka ko lang lalo ang naging paliwanag niya ngunit kalauna'y napagpasyahan kong iignora ito. "Hindi ko alam kung may plano siya pero maybe, i-celebrate na lang namin ng mas maaga." My last words are meant for me more. Nawala kasi sa isip ko ang tungkol sa monthsary namin. Masyado ako naging abala sa pagtreasure ng memories namin araw-araw na nakaligtaan kong mag-iisang buwan na rin pala kaming in relationship. And I thanked Era for make me remember it. Madalas naman kaming magkasama at magkausap ni Achilles pero kahit kailan hindi nasama sa usapan namin ang ganitong uri ng selebrasyon. Hindi niya rin naman siguro nakalimutan. Siguro pareho lang kami ng pananaw tungkol sa ganito. Hindi kasi ako ang tipong ipagdiriwang ang monthsary. I always believe that such celebration is for short-term relationship. But then, wala naman sigurong masama kung susubukan namin kahit itong unang buwan lang.. [We already prepared your reserved seat, Ma'am.] Wearing a peach dress together with the wedge heels for my feet and Michael Kors' string bag. Bahagya kong pinasadahan ang sarili sa repleksyon ng salamin habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa phone. [Let me know if you already arrive here and I will assist you.] "Okay. Thank you!" I politely said. Binaba ko ang tawag pagkatapos at muling nagdial ngunit ibang numero naman. Tatlong ring pa lang, sinagot na ng caller. "Hi." I greeted sweetly. [Nand'yan ka na?] Umiling ako. "Wala pa, papunta pa lang ako." [Sigurado ka bang hindi ka na magpapasundo?] "Hindi na. Magpapahatid na lang ako kay Manong Dan. Paalis na ko actually." At nagsimula na kong maglakad palabas. Hindi ko na kailangang daanan pa si Nanay Edith sa kusina dahil kanina pa ko nagpaalam. Alam niya rin na date ang punta ko kasama ang boyfriend ko. Napakilala ko sa kanya si Achilles sa mga pictures pero hindi pa ng personal. Marami pa kasing pinagkakaabalahan ang bawat isa kaya hindi nagkakatagpo ang free day nila. Kahit nga ako na mismong dito umuuwi sa bahay, hindi rin kami nagkikita ni Nanay Edith. Kapag wala ako sa bahay, nand'yan siya. Kapag ako naman ang nasa bahay, siya naman iyong wala at may nilalakad daw. Hindi ko naman matanong ang ibang kasambahay dahil kahit sila, hindi alam ang pinagkakaabalahan ni Nanay Edith nitong mga nakaraang linggo. I sometimes asked her by myself. Yeah! I got her answer but I felt that it was just excuses. [Alright. See you in a bit then.] Ani Aki. "Okay." I nodded then he's the one who end the call after a few seconds. Ako naman ay dumiretso na sa garahe kung saan nakahanda na ang kotse pati si Manong Dan. Pinaandar niya agad ang makina pagkasabi ko ng address na pupuntahan namin which is isang restaurant sa tuktok ng twenty storey building. Around BGC lang naman ang kinatatayuan ng building kaya mabilis kaming nakarating. Bago ako pumanhik, I thanked Manong Dan first then ordered him to go home straight. "Good evening, Ma'am." Bati ng guard saka pinagbukas ako ng pintuan. I smiled politely as response. Tinanaw ko muna ang puwesto na nireserve ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Aki is not yet here. Bakante pa kasi pareho ang upuan. Nang makarating ako sa kabilang labas ng restaurant. Umupo agad ako sa reserved seat ko at dagliang pinasadahan ang paligid. Looks like everything is ready. Mukhang worthy naman ang lahat ng pagod at paghihirap ko para lang makakita ng magandang venue. Hindi ko inaasahan na ganito pala ito kaganda kapag gabi. Nakita ko na naman ang pictures ng restaurant kapag gabi sa official website nito pero mas maganda pa pala ito sa personal. Mula sa kinauupuan ko, natatanaw ang mga gusali sa paligid. Kung gusto mo naman sumilip sa banister, makikita mo sa baba ang mga taong naglalakad at mga nakalinyadang sasakyan. Bukod sa pag-ihip ng hangin at malumanay na musika mula sa mismong loob ng restaurant, wala ka ng maririnig na iba pa. Minimize na kasi ang ingay mula sa baba since upper deck na ung kinaroroonan ng resto. Masyado akong nalibang sa tanawin na muntik ko ng makalimutan na naghihintay pala ako. Ni hindi ko nga namalayan ang paglapit ni Aki kung hindi lang siya nagsalita. "Kanina ka pa?" Umalis ako sa pagkakapalumbaba at tiningala siya. My eyes followed him as he sat in front of me. "Hindi naman, kakarating ko lang din." Ngiti ko. Tumuwid rin ako sa pagkakaupo nang magtama ang aming mga mata. Napansin ko ang bahagyang pagpasada niya sakin ganon din sa paligid kung saan kami lang ang customer ng restaurant. Ako ang nagyaya sa kanya na magdate kami ngayon. Hindi ko sa kanya sinabi na magsicelebrate kami ng monthsary. So maybe he thought that this is just one of our usual past time. Kaya halatang hindi siya masyadong naghanda. Although gwapo pa rin naman siya kahit kaswal lang ang damit niya. Besides, mukhang hindi iyon ang problema. His eyes shadowed with confusion and disfavor after he noticed something perhaps. "Good evening, Ma'am and Sir!" Bati ng nirentahan kong waitress. Tiningala ko siya at nadatnang nakangiti. I nodded and smiled too. Nauna niya kong binigyan ng menu book, sunod si Aki. Ilang segundo pa nga ang lumipas bago nito tinanggap. Kinabahan pa tuloy ako dahil akala ko hindi niya tatanggapin. Still, his pair of hawkish eyes remained on me. Hindi tuloy ako makafocus sa binabasa ko. "Pork roast and lemonade." Matipid niyang sambit saka binalik sa waitress ang menu book. Sumulyap ako sa kanya, kunot ang noo. Ni hindi pa kasi nakakalipas ang minuto simula ng mahawakan niya ang menu book, may napili na agad siya. Sinalubong niya naman ang titig ko na s'yang dahilan para mag-iwas ako ng tingin. Hindi ko rin napigilang sumimangot lalo na't nahagip ko ang pagiging seryoso at malamig niya. "Okay, Sir. How about you, Ma'am?" "Uhh..." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa waitress at sa menu book. Dahil sa napressure ako, pinili ko na lang iyong una kong nakita. "Glazed sticky pork." "How about drink, Ma'am?" "Uhh...orange juice is fine with me." Sabay abot sa waitress ang menu book na nakangiti niyang tinanggap. With same courtesy, I smiled back yet it must be an awkward smile. Ramdam ko pa rin kasi ang panititig sakin ni Aki at mukhang wala ata siyang balak tumigil. "Got it. Wait the food for about ten minutes. You can enjoy the view while waiting." Suggest ng waitress pagkatapos iminuwestra ang tanawing pinagmamasdan ko simula pa lang pagkaapak ko sa balkonahe ng restaurant. Sandali ko iyon binalingan then binalik agad sa kanya ang atensyon. As I smiled and nodded, she turned her back away from us politely. Bahagya ko pang pinagmasdan ang paglayo niya. Naputol lang ito nung tumikhim ang kaharap ko. Alam kong sinadya niya iyon para makuha ang atensyon ko. I bit my lower lip as I shifted my sight at him. "Don't tell me, you rented this place?" Entrada niya saka sinandal ang likod sa backrest ng upuan. He also crossed his arms and looked at me intensely. His lips is in grim line too which made my chest pounded in nervosity. I felt like I'm talking to a prosecutor. Isang maling sagot, kulungan agad ang kababagsakan ko. That was the closest situation I could ever describe what I feel right now. "It's for the advance celebration of our monthsarry." Paliwanag ko. Pinipilit ang sarili na hindi magpaapekto sa kabang nararamdaman. Humalukipkip siya. "You should tell me earlier then. It's not right that you put a lot of efforts for such celebration." "I'm sorry. I should be aware that you don't like this thing." I uttered guiltily in low voice. Nakayuko rin ako, walang balak na salubungin ang kanyang mga titig. I can't take the extreme coldness in his stares. It made me feel like I committed a huge mistake. Inaasahan ko ng magagalit siya pero tinuloy ko pa rin. Nagtiwala kasi ako na kaya ko siyang aluin. Hindi pala ganon kadali. Narinig ko ang eksaharado niyang paghinga. Saka ko lamang siya binalingan no'ng tumayo siya. "Restroom lang ako." At agad siyang umalis, hindi na inantay pa ang tugon ko. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD