PAST "I should go. Pasensya sa abala." Agad kong paalam kay Aki pagkuwa'y nilagpasan siya. Subalit nakakailang hakbang pa lang ako nang tinawag niya ko na s'yang dahilan para matigilan ako. "Sandali Rain." Mariin akong pumikit at nagpakawala ng hininga bago siya hinarap. "B-bakit?" Sa halip na magsalita, pumirmi ang titig niya sakin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero sana lang ay tumigil na siya. It's embarrassing! My face even heated because of the way he stared at me. I felt like sooner, I will turn into a tomato. "A-ano 'yon?" I snapped him. Mukhang effective naman dahil maya-maya lang ay ilang beses siyang kumurap at bahagyang kumilos sa kanyang kinatatayuan. At bago siya nagsalita, may kinuha muna siyang kung ano sa kanyang bulsa. Napag-alaman kong kuwintas iyon n

