DON'T "Pwede ka naman lumiban sa klase. Gusto mo, ikaw na ang magsundo kay Dad sa airport." ani Winter na nasa hamba ng pinto ng kwarto ko, nakaekis ang braso habang pinapanuod akong nadadapa sa pagmamadali. Lunes ngayon at sa mga oras na ito, dapat nasa university na ko. Alam ng mga kapatid ko na maaga ang pasok ko. Hindi ko naman sila sinisisi na tinanghali ako ng gising pero nagtataka lang ako kung bakit ni isa sa kanila, hindi ako kinatok sa kwarto. May pumasok na dahilan sa kukote ko ngunit ayokong mang-akusa. Napapreno ako sa paghahabol ng oras nang rumihestro sa aking utak ang huling sinabi ng kapatid. "Uuwi si Dad?" "Yup. Kagabi pa siya bumyahe kaya baka mga hapon, dito na ‘yon." "Bakit hindi ko alam?" halos pabulong kong wika. Hindi ako sigurado kong hindi ba ito narinig ng

