BOLD "Here!" Si Winter sabay lapag ng tray ng mga pagkain sa mesa. Ganon din ang ginawa ni Aris pagkuwa'y naupo sa harap ko. Ang kapatid ko naman ay naupo sa bakanteng upuan na kanang katabi ko. Sa kaliwa ko si Darius na may katabing bakanteng upuan na s'yang pumapagitna sa kanila ni Achilles. Simula ng maghiwalay kami ni Aki, hindi ko na inasahan pa na makakasabay ko silang magpipinsan sa pagkain katulad ng dati ngunit hindi ako makapaniwalang nangyayari na ito ngayon. At si Winter ang may pakana. I can't believe either that Aris and her are already dating. Parang kahapon lang ay magkaaway pa silang dalawa. Iyong hindi mo alam kung may babae pa ba at lalaki sa kanila. Until now, I still can't get over in shock. "Uy bibi!" Tawag ni Darius kay Sam na kakapasok lang ng cafeteria. Kumawa

