Alodia Gumising ako isang umaga na parang ang bigat ng katawan ko. Hindi na naman ako masyadong nakatulog simula nang umugong ang eskandalong kinasangkutan nina Ethan at Athena. Kahit ipikt ko ang mga mata ko ay sila pa rin ang nakikita ko. Iniisip ko kung nag-enjoy ba si Ethan habang hinahalikan nya ang kaibigan ko? Naligayahan ba sya habang nakalapat yung labi nya kay Athena? Ang dami kong tanong sa utak ko kaya hindi ako nakatulog ng maayos. Nakayakap ako sa unan ko at tamad na tamad pa rin akong bumangon. Ayoko na nga sanang pumasok dahil alam kong masasaktan na naman ako kapag nakita ko muli silang dalawa. Hindi na rin ako pinapansin pa ni Ethan simula nang magkalapit sila ni Athena. Pakiramdam ko ay balewala na ako sa buhay nya. “Tanga ka kasi eh! Tanga!” madiing sambit ko sa

