Ethan Umaga ng Sabado ay nagtungo ako sa boutique ni Maxi Ferrer kung saan ko pinagawa ang eleganteng gown na gusto ko sanang isuot ni Alodia para sa Senior Grand Ball. "Oh Ethan! Finally makikita mo na rin ang gown na ginawa ko para sa girlfriend mo. As what you have requested it's extra special." Nakangiting bungad sa akin ni Ms. Maxi. Matipid akong ngumiti sa kanya. Nasilayan ko ang eleganteng gown na nakasuot pa sa mannequin. At totoo ang sinabi nya. Sobrang espesyal ng gown na ito. Kitang kita ko na pinagpaguran nya ang paggawa nya nito. Iniimagine ko pa lang na suot ito ni Alodia ay talagang nangingilabot na ako dahil alam kong aangat ang kagandahan nya sa lahat ng mga babae sa Grand ball sa oras na isuot nya ito. Marahan kong nilapitan ang gown. Marahan kong hinawakan ang

