Alodia Sinama kami ni tatay sa isla kung saan naroroon ang bangka namin. Ito ang isa sa mga pinagkakakitaan ni tatay. Ang mga turistang gustong mag-island hopping ay sumasakay sa bangka upang makita ang ibang isla dito sa Puerto Prinsesa. Ang problema ay luma na ang bangka ni tatay at napakaraming mas magandang bangka sa islang ito. Minsan ay walang turista na gustong sumakay sa kanyang bangka. Nakakaawa si tatay. "Magkano po ang kinikita nyo dito tay?" Kyuryosong tanong ni Ethan Kunot noo naman ako dahil bakit biglang naging intersesado sya sa kinikita ni tatay. "Sampo ang kasya sa bangkang ito. Two hundred pesos ang isang tao. Sa isang byahe ay mayroon akong dalawang libo. Swerte ka na kahit isang byahe lang. Kaya lang wala eh. Maraming magagandang bangka sa islang ito." Malungkot

