Alodia Pakiramdam ko nga ay parang nagbabalik ako sa nakaraan dahil araw-araw na naman akong sinusundo at inihahatid ni Ethan sa dorm. Paglabas ko ng dorm ay masisilayan ko na agad syang nakasandal sa magara nyang sasakyan katulad ng dati nyang ginagawa. Kusa ng ngumingiti ang mga labi ko kapag nakita sya ng mga mata ko. Alam kong mali ang gumamit ng isang tao para makalimutan ang sakit na pinagdaanan ko pero ito rin naman ang gusto ni Ethan. Gusto nyang gamitin ko sya para maging maligaya muli ang puso ko. “Naku naman! Nalilito na rin ako ha. Dati kay Ethan talaga tayo sumasabay dahil sya ang unang pumili sayo bilang lucky girlfriend, tapos naging si Enzo na ang opisyal na tagahatid sundo natin dahil susubukan nyang seryosohin ka raw, ngayon naman ay balik na naman tayo kay Ethan? Bak

