Pagmulat niya ng mata ay ang mga puting kisame at dingding agad ang kanyang nabungaran. Pagkatapos ay narinig niya ang nag-aalalang boses ng Daddy niya na dagli lang ay nasa tabi na niya. Hinawakan nito ang isa kamay niya. Tsaka pa lang niya natalunton ang swero na nakakabit sa isang kamay niya. “W-what happened, Dad? Why am I h-here?” Tila nanghihina pa ring sabi niya. “Nawalan ka ng malay kanina, anak. The doctor said that you were dehydrated, a little malnourished and stressed, that’s why you fainted. I already called Hobart and he told me what happened. He said you’re not eating properly these past few weeks. Anak, don’t do it again. Take care of yourself, please. I was petrified when I see you collapsed, para akong aatakihin sa takot.” Nahahapong umupo ito sa upuan na nasa tabi ng h

