Labinlimang minuto bago mag-alas siyete ay nakagayak na si Cara at naghihintay na lang sa pagdating ng sundo niya. Simpleng make-up lang ulit ang in-apply niya. Pero inayos niya ang buhok dahil formal party ang pupuntahan nila. She arranged her hair into a lose updo. May ilang hibla ng buhok niya ang kinulot niya na hinayaan niyang nakalaglag sa tabi ng mukha niya. She was wearing a champagne colored, trumpet cut, long gown na may mahabang slit at bawat hakbang niya ay nakikita ang kanyang kaliwang binti. It has a halter neckline with an x-cross back. Kaya naman hantad rin ang kanyang makinis na likod na may nunal sa pinakagitnang bahagi. Muli niyang pinasadahan ang kabuuan niya sa salamin. Gusto niyang maging perperkto sa paningin ng binata. Nang makuntento ay nagpasyang bumaba para doo

