Cedie's POV Sabi nila ang lahat daw ng storya ay natatapos. Magkakaron daw ito ng Happy ending. Well, sabi-sabi lang iyon. Bakit may mga kwentong natatapos ng hindi nagkatuluyan ang mga bida? Sad ending yun ah. Simple lang, ang ending nila ay Realidad. Katotohanan. Sa tingin ninyo yung mga kwentong may Happy Ending tapos na ba mga yun? Siyempre hindi natin alam, hindi naman kasi naikwento ang mga nangyari pagkatapos ng Happy ending na yun eh. Pagkasara ng telon sarado na din ang kwento. Kung paano iyon natapos hanggang doon nalang tayo. Ang realidad ay ang madalas ending ng kwento nang ating mga buhay, realidad na magtatapos ang ating mga kwento. Kung Perfect Happy Ending ang gusto nating makamit, imposible yan. Wala niyan. Tayo lang ang makakapagsabi kung Happy nga ba ang Ending natin.

