Gwen's Point of View : " Ang laki ng bato, Gwen! " " Ang swerte mo talagang babae ka! Paano ba maging ikaw! " Namamanghang sambit nina Joanna at Erica habang nakatingin sa aking singsing na. Napangiti na lang ako. Hindi ko maiwasang ipagmalaki ang tanda ng aming pagmamahalan ni Markus. Ito ang sinasabi nilang komokompleto sa isang babae, ang maenggage at makasal sa lalaking pinakamamahal natin. " Paano ba nagpropose sa iyo si sir Markus, Gwen? " usisa ni Joanna sa akin. " Simple lang. Sa office niya. Nandoon si mama at ang anak ko at ang pamilya niya. " sagot ko sa kanya na kinangiwi niya. " Hindi man lang nag-effort si sir Markus para surpresahin ka ng bongga! Iyon bang dadalhin ka niya sa isang romatic na lugar, iyong may nakakain-love na kantang piakikinggan, mga ganoong ba

