Gwen's Point of View: Nagsimulang tumugtog ang musika at kasabay din iyon ang paglabas ng iba't ibang mga litrato naming dalawa. ' Siya ang lahat sa akin, siya ang komopleto sa aking buhay. ' nabasa kong mga salita sa unang litrato. Ito ay kuha noong mga panahon na hindi pa kami nagkakilala noon ni Lester. Nasabi na noon sa akin ni Lester na matagal na niya akong tinitignan sa malayo kaya noong may pagkakataon na mag-usap kami, hindi na niya pinalampas pa iyon at nanligaw siya sa akin. ' Hindi pa niya alam noon kung ano ang aking nararamdaman pero noong magkita at magkausap kami, nagkaroon ng pag-asa ang aking puso. ' sumundo na mga salitang lubas na hindi napapalitan ang litrato. Napalitan ang litrato, Ito ay kuha noong sinagot ko siya. Sa totoo lang ay sobrang saya ko noon d

