Pagkahatid niya kay Zoe ay sabay harurot ng kotse nito. Nagmamadali ito sa pagmamaneho dahil alam niyang mapapagalitan na siya ng ina nito. "Patay ka na Sophia sa Mommy mo!" bulong niya sa kanyang sarili at lalo nitong pinaharurot ang kotse na para bang walang ibang sasakyan sa daraanan niya. Mabuti na lang at hindi trapik kaya saglit lang ay nakabalik na kaagad ito ng bahay. Sa may gate pa lang ay nakikita na niya si Manang Linda na nakapamewang sa labas at ang Mommy naman niya ay nakadungaw sa bintana na magkasalubong ang dalawang kilay. Bago siya bumaba ng kotse ay bumuntong-hininga muna ito. Bitbit ang mga itlog ay sinalubong nito si Manang Linda na nakangiti. "Ano ka ba naman, Sophia?" galit na sabi ni Manang Linda. "Bilisan mo at galit na ang Mommy mo," dugtong pa nito saka kinuha

