Ramdam na ramdam ni Sophia ang paghawak ni Leo sa kanyang likuran. Maya-maya pa ay pilit na inuusog ni Leo ang katawan nito papalapit sa katawan niya. Isang marahang halik ang naramdaman ni Sophia sa kanyang magkabilang pisngi at ito ang muling nagpagising sa kanyang sistema. Napapapikit si Sophia ng maramdaman niya ang hininga ni Leo sa gilid ng kanyang tenga. Dinig na dinig niya ang malalalim na paghinga nito. Nagkukunwari siyang tulog pero ramdam na ramdam niya ang bilis ng pagtibok ng puso ni Leo, kagaya ng bilis ng pagtibok ng puso niya. Lalong dumiin ang pagkagat niya sa ibaba ng kanyang labi dahil sa ginagawa sa kanya ni Leo. Halos hindi na siya makapag-isip ng maayos. Halo-halong emosyon na ang bumabalot sa buo niyang pagkatao. At nang mapalapit si Leo sa kanya ay may ibinulong it

