Pagkatapos masabi ni Karla kay Sophia na huwag ng isipin ang tungkol sa lolo nito ay nagpaalam na itong umuwi. Dinahilan na lang nito na gusto na niyang magpahinga. Hindi na tumutol si Karla at pinahatid na lang siya nito pabalik sa bar para kuhanin ang naiwan niyang motor sa parking lot. Nang pumayag na si Karla ay nagpaalam na rin ito sa tiyahin at mga pinsan nito. Habang lumalabas sila ng mansion ay tahimik lang si Sophia at halatang may iniisip. Kahit sa pagsakay ng kotse pabalik ng bar ay hindi na ito umiimik. Nagtataka naman ang kasama nitong driver kung bakit bigla na lang itong tumahimik. Samantalang bago sila pumasok ng mansion ay ang saya-saya pa nitong pinagmamasdan ang buong kabuuan ng mansion. Gustuhin man magtanong ng driver ay hindi nito magawa dahil ayaw na rin niyang guluh

