"A-aray ko naman, Sophia!" Singhal ni Liza dahil sa paghatak sa kanya ni Sophia. "Sorry!" anito. Nang makabalik na ang dalawa sa loob ng dorm ay kaagad naman na umupo si Liza sa sofa, sa tapat ni Leo. At si Sophia naman ay pumasok muna sa kusina. Iniwan niya muna ang dalawa para makapag-usap ang mga ito. Pero lingid sa kaalaman ni Sophia na may ibang balak na sabihin si Liza kay Leo tungkol sa nais nitong panliligaw sa kanya. Ramdam ni Liza ang napakabilis na t***k ng kanyang puso. Ni minsan ay hindi inisip o pinangarap man lang ni Liza na ang taong gusto niya ay gusto rin pala siya. She was loss for words. Naramdaman niya ang biglaang pag-init ng kanyang pisngi. Bago niya sabihin ang kanyang desisyon ay tiningnan niya muna muli si Leo sa mga mata. "Tama bang magpaligaw ako sa taong ito?

