Huminto muna saglit si Sophia sa kanyang ginagawa at nagtext ito kay Liza. Kinumusta niya ang kaibigan. Kaagad naman itong sumagot sa kanyang text at siinabing ayos lang naman ito. Nabanggit din ni Liza na nasa dorm pa siya at paalis pa lang ito patungo ng eskwelahan. Nang malaman ni Sophia na ayos lang ang matalik na kaibigan ay bumalik na ito sa paglilinis ng motor. Pero muli siyang pinahinto ni Manang Linda sa kanyang ginagawa para makapag-almusal muna ito. Dinalhan siya ng matanda ng kape at pandesal para may makain ito habang naglilinis ng motor. "Sophia, hinto mo muna iyang ginagawa mo at kumain ka muna ng pandesal saka masarap ang kape habang mainit pa ito." Pag-aaya ni Manang Linda sa kanyang alaga. Saka nito pinalamanan ng butter ang mainit na pandesal. "Sarap naman niyan. Sala

