Dali-daling pumasok si Manang Linda sa kawarto ng alaga para tingnan ang mommy nito. "Ma'am, ayos lang po ba kayo? Ano po bang nangyari? Kanina lang po ay ang sigla-sigla pa ninyo," anito na may pag-aalala sa boses. "Okay lang po ako Manang Linda. Napagod lang ako siguro sa pagtakbo ko kanina. Si Sophia kasi ang harot-harot eh," tugon nito sa matanda habang nakatingin sa anak. "Mommy, ikaw po kaya iyong pumingot ng tenga ko. Tapos sabi niyo pa po ay kukurutin niyo ako sa singit ko." Pagpapaliwanag ng anak sa ina saka ito lihim na natawa. Sa sinabi ni Sophia ay lihim din na nangiti si Manang Linda. Pagkatapos ay lumapit na ito sa ginang at pinunasan niya ito ng maligamgam na tubig. Natuwa naman ang ginang sa ginawang pag-aasikaso sa kanya ng matanda. "Manang Linda, maraming salamat po,

