"A-aray! Ano ba, Ate Liza? Bakit na naman ba?" "Anong bakit na naman ba? Kakain na, hindi ba? Bakit nag-iinarte ka na naman diyan! Ano ba ang gusto mong palabasin, Jeff? Porke ba hindi napansin ni Mommy ang suot-suot mo na sapatos ay magda-drama ka na naman? Mahiya ka nga!" Kahit na hindi malakas ang boses ng dalawang magkapatid ay nahalata pa rin sila ng kanilang ina. "Liza! Jeff! Ano ba naman kayo? Nasa harapan kayo ng pagkain, hindi ba?" Saway ng ina nito. "Sorry po, Mommy!" sabi ni Liza saka yumuko. "Mga apo tama na iyan! Kumain na lang kayo ng maayos." "Opo, lola." Nagkatinginan ang magkapatid. Habang kumakain ay nakaramdam na naman si Liza ng pananakit ng dibdib niya. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung paano magpapaalam sa lahat. Pero hindi naman niya pwede balewalai

