Nang makapag-usap na ang dalawang magkaibigan ay nagpaalam na rin si Leo kay Sophia. Habang nagmamaneho si Leo ay napapaisip ito kung susundin ba niya ang sinabi ng kaibigan na puntahan na lang si Liza sa bahay ng kanyang mga magulang para makibalita. Pero nagdadalawang-isip pa siya kung pupuntahan niya ba ito o hindi. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan ang oras. Umuwi na muna siya sa condo para makapag-isip ng tama. Kinabukasan ay maaga siyang nagising para puntahan si Liza sa bahay ng mga magulang nito. Dali-dali itong nagbihis at kaagad na umalis. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napadaan siya sa university na pinapasukan ng magkapatid na Liza at Jeff. Huminto muna ito sa tapat ng university at nagbabakasakali na may makita siyang kaibigan ni Liza na pwedeng mapag

