Natawa si Sophia sa ginawa niyang pagtalikod. Hinayaan niya muna ito. "Sabagay, sweet naman talaga siya," bulong niya sa kanyang sarili. Natawa na lang siyang bigla ng pumasok sa isipan niya ang matalik niyang kaibigan na si Liza. Halos lahat ng kilala niya na babae ay kahalintulad nito ng ugali. Pare-pareho silang childish. Lumapit ito kay Elsie at nag-usisa. "Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ka pa ba tapos mag-drama?" anito sabay kalabit sa balikat ng dalaga. "Huwag ka ngang magulo diyan?" Piksi nito. Tuwang-tuwa ang Mommy niya sa kanilang dalawa. "Ano? Wala pa ba kayong balak umuwi? Ay, teka nga pala bilhan ko muna ng pasalubong si Manang Linda. Diyan muna kayo. Wait lang," aniya. Habang si Elsie naman ay abala sa ginagawa niya. Hindi na nakatiis si Sophia pinihit niya ang braso nito

