Nang makabalik ng kwarto si Sophia ay naiwan mag-isa si Manang Linda sa may sala. Gusto sana nito makausap si Sophia pero halatang umiiwas ang alaga. Saglit itong nanahimik at nang makaisip ng paraan ay nagtungo ito sa kanyang silid at kinuha ang kanyang phonebook. Bumalik na ito ng sala at naupo saglit sa sofa. Inubos niya muna ang iniinom na kape saka nito binuksan ang kanyang phonebook. Hinanap nito sa phonebook ang numero ni Zoe sa hotel. Nais niya itong makausap patungkol sa nangyayari ngayon kay Sophia. At kung bakit nito iniiwasan maging ang kaibigan nito na si Zoe. Sana sa gagawing niyang paraan ay manumbalik na ang sigla ng alaga. Nang makita nito ang numero ni Zoe sa hotel ay kaagad niya itong tinawagan. Naghintay muna siya ng dalawang minuto bago niya tinawagan si Zoe. Pagkalip

