"Bakit ba ang tagal-tagal mo? Naka-ilang tawag na ako sa iyo. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo doon, ha?" usisa ng ina nito. "W-wala po. May tinawagan lang po ako," mahinang sagot niya habang nag-iisip ng kung anong magandang alibi ang sasabihin niya mamaya sa ina para payagan siyang umalis nito kasama si Zoe. "Ang aga naman yata niyang tawag mo? Important ba? Bakit tungkol ba iyan sa trabaho?" sabi nito saka tinignan ng diretso sa mata si Sophia. Alam niya kasi kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. "May dapat ba akong malaman, anak?" dagdag pa nito. "Mom!" Tawag nito sa ina sabay yuko. "Yes, hija! May problema ba, anak? Tell me. Kilala kita hindi ka mananahimik ng ganyan kung wala kang iniindang problema," aniya at lumapit ito sa kinauupuan ng anak. "Mom, promise me na hindi ka maga

