The writer's POV
Nagising si Grant na wala na ang asawa. Pinaka unang pumasok sa isip niya ay ang nangyari noong gabi. Hindi siya mapakali habang naliligo siya.
At doon niya nasabing, "Hindi eh. Hindi yun okay."
Hindi naman talaga okay ang ginawa niya kay Cris. Sinabi lang niya yun para hindi mawala sa piling niya ang pinakamamahal na si Grant.
Kaya napagpasyahan niyang sumunod kay Cris sa Aklan.
"Teka lang, sino nga ulit ang pupuntahan niya sa Aklan?" At nalaman niya kung paano siya kawalang kwentang asawa.
Papaano niya pinayagang umalis si Cris nang hindi niya man lang alam kung saan ito pupunta? Kung sinong kasama???
Hindi man lang siya nakinig sa sinasabi nito, at hindi niya man lang pinagtuonan ng pansin. Basta't pumayag lang siya.
Kaya kinuha niya ang cellphone at sinimulang tawagan si Corl. Pinilit niyang kumalma habang nagri-ring ang phone at nag-iimpake siya ng damit.
"H-Hello?" Parang kagigising lang na sagot ni Corl sa telepono.
"Hello, Corl! Naku, pasensya na, di ko kasi makontak si Cris. Nakadaong na ba kayo siya sa Aklan? Pakausap naman kay Cris, namimi-miss ko kasi siya."
"Huh???? Si Cris? Anong Aklan?"
-/"D-Di ba babyahe kayong Aklan para sa kasal n-nung Jeck???"
"Ano??? Hindi naman nakatira si Jeck sa Aklan. T-tsaka isa pa,"
"Hindi yun ikakasal.W-wala yung jowa."
Nanlaki ang mata ni Grant. K-kung wala pala si Jeck sa Aklan, anong pupuntahan ni Cris doon? Bakit siya pupunta doon???
Samantala, habang gulong-gulo ang isip ni Grant ay nagkakagulo na rin sa barko.
Sa hindi nila malamang dahilan, biglang pumasok ang tubig sa barko. Nagkakagulo ang lahat, gusto ng bawat isa na maligtas ang kanilang sarili. Maliban na lang sa isa.
Si Cristina.