Pinakunot ko rin ang aking noo. Pagkatapos ay bumaling kay tita Gelyn. “Ano ang ibig sabihin nito, tita Gelyn?!” tanong ko na may pang-uuyam. At wala ring mababakas ng katuwaan sa aking mukha. Kuyom din ang aking kamao. “Hmm! Zyle anak, napag-isipan ko na ito. Gusto kong ilagay ka sa maayos na buhay, hindi mo na kailangan magtrabaho kasi nandiyan na si Oly Nong. Siya ang susuporta sa lahat ng mga kailangan mo, anak ko,” malumanay na sabi ng babae. Habang may nakapaskil na ngiti sa labi nito. “Oo nga hija. Akong bahala sa ‘yo. Lahat ng gusto mo ay ibibigay ko, pera, bahay, alahas, o kung gusto mo namang maglibot sa iba’t ibang panig ng bansa ay ibibigay ko sa ‘yo. At wala na itong urungan pa at kailangan na nating magpakasal sa next week,” sigunda naman ng baliw na matandang lalaki. Ma

