Ilang beses akong napalunok. Para bang biglang nanuyo rin ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko kay Colby. Wala rin akong nakahandang paliwanag para sa lalaki. Dahil palagay ang loob ko na hindi nito makikita ang aking mga sugat at matatakasan ko ito. Tumayo ako. Gusto kong lapitan si Colby. Ngunit anong ipapaliwanag ko rito? Parang gusto kong tumakbo papalabas ng kwarto nito. Ngunit pakiramdam ko'y dumikit sa malamig na tiles ang dalawang talampakan ko. Hanggang sa biglang humarap sa akin si Colby. Sobrang dilim ng mukha nito. At para bang papatay ng tao. Mayamaya pa'y bigla itong humakbang papalapit sa akin. Agad naman akong napaurong. Hanggang sa bumangga ako sa wall ng kwarto nito. Ikinulong ako nito gamit ang dalawang baraso niya. At nasa parihas gilid ko a

