"SHE'S unconscious for an hour now, Yvan. Kailangan ko na ba siya dalhin sa ospital?" Naulinigan ni Sasha ang boses na iyon ni Daniel. Pagmulat niya nang mga mata ay inikot niya ang paningin. Nasa kabilang kuwarto siya ng pad ng binata. At least, sa silid na hindi nito ginagawan ng milagro.
"Chill out. Over-fatigue lang siya kaya nawalan ng malay. Kailangan lang niya magpahinga." Tila naaaliw na tugon ng kausap nito.
Nang mapansin ng mga ito nagising na siya ay mabilis na umupo sa gilid ng kama si Daniel. "How do you feel? May masakit ba or something?" nag-aalalang tanong nito.
Umiling siya at muli ay pumikit. Inaantok pa siya. "You make me so worried!"
Napangiti siya. Daniel was worried about her. May kung ano sa loob niya ang nakadama nang kakaibang saya. May tumikhim kaya nagmulat siya ng mga mata. "I gonna go, insan."
Lumingon ito sa kanya. "And you, 'wag mo masyadong pinapagod ang sarili mo. Daniel is a rich kid, kahit sirain mo pa kahit ang salamin ng sasakyan niya ay mapapalitan n'ya 'yon."
"Get the hell out of here, Yvan." Taboy nito sa lalaki.
Mabilis na lumabas naman si Yvan sa silid. Nang naiwan silang dalawa ay namayani ang katahimikan. Tumikhim siya. "Bakit mo naman agad pinaalis ang pinsan mo?"
Nakataas ang kilay na tumingin ito sa kanya. Umupo siya at isinandal ang likod sa headboard. Medyo nahihilo pa siya.
"Bakit hindi mo sinabi na masama pala ang pakiramdam mo? Paano kung hindi kita nasalo kanina? Malamang baka may bukol ka pa ngayon and worst nahigaan mo pa iyong mga bubog ng nabasag na mga baso."
Napaungol siya nang marinig ang sinabi nito. Ano ba naman 'yan! Imbes na mabawasan ang utang niya ay nadagdagan pa.
"I'm sorry, ayoko naman um-absent kasi hindi na nga ako pumasok nitong nakaraan na gabi. Sorry talaga." She's on the verge of crying. Naramdaman niyang hinaplos nito ang pisngi niya kaya nag-angat siya ng tingin.
"Huwag ka umiyak dahil hindi ko na lang isasama 'yong nabasag mo sa utang mo sa'kin."
"T-Talaga?" nanginginig na ang tinig na tanong niya.
Tumango ito at inilapit ang mukha para halikan siya sa noo. Napapikit siya sa sensasyon na naramdaman niya nang dumaiti ang malambot na labi nito sa balat niya. Bumilis ang t***k ng puso niya.
"I promise." Sinserong sabi nito habang nakadikit pa rin ang labi sa balat niya. Nagbigay iyon nang kakaibang kilabot sa buong sistema niya. Nitong mga nakaraan ay napapansin niya na pabait lang ng pabait si Daniel sa kanya. Minsan nga ay nagugulat na lang siya sa mga ikinikilos nito.
"Daniel?" tawag niya sa pangalan nito.
"Hmm..."
"Bakit ang bait-bait mo na sa akin?" takang tanong niya.
"Ayaw mo ba?"
Mabilis na umiling siya. Mas gusto nga niya kapag ganito ito. "Gusto siyempre. Pero ganito ka ba talaga?"
"What do you think?" Isa lang ang isasagot niya sa tanong nito: Malamang. Sa ganito sigurong paraan nakukuha ni Daniel ang mga babae nito.
Be careful, Sasha. Kahit ano ang gawin niya at ipakita sa'yo ay huwag ka pahuhulog. He was a player. Player always be a player. Masasaktan ka lang sa kanya. Ani ng isang bahagi ng isipan niya.
"Ganito ka ba sa lahat ng babae mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito sa kanya. "Babae?"
"Oo, babae mo. Ganito mo rin ba sila i-trato?" tanong pa niya.
"Wala na ako'ng babae," anito, ang kilay naman niya ang nagsalubong sa sinabi nito. As if! Ito pa mawalan ng babae? Puputi muna siguro ang uwak bago mangyari iyon. Sasagutin sana niya ito nang maunahan siya ni Daniel. "Unless, kung ikaw 'yong babaeng tinutukoy mo."
Napanganga siya sa narinig. Ilang minuto rin ang lumipas nang makabawi. Isinara ni Sasha ang bibig nang mapagtanto kung ano ang sinabi ni Daniel. Obviously, he was hitting at her! Ano ang akala nito sa kanya? Por que ginagamitan siya ng kung ano-anong salita nito—na malamang ginamit na rin nito sa mga babaeng dumaan sa buhay nito ay magpapadagit siya ng ganoon-ganoon lang? Hindi siya cheap, 'no!
Humalukipkip siya. "Huwag mo ko nilalandi. Hindi ako madadala n'yan."
He chuckled. "I know you were different. Alam ko na hindi ka basta madadala ng pakikipaglandian ko sa'yo. Hindi rin tatalab ang charm ko sa'yo. In-expect ko na magiging ganito ang reaksyon mo."
"Isa lang ang masasabi ko sa'yo Daniel Robredo, wala kang maaasahan sa akin. Huwag tayo maglokohan rito." Tiim ang bagang na sabi niya.
Ito ang ayaw niya sa lahat. Ang paaasahin siya tapos bigla kapag nagsawa na ito o nakahanap ng iba ay iiwan na siya. Ayaw niya masaktan kaya habang maaga pa lang ay inilalayo na niya ang sarili sa kung ano ang posibleng mangyari kung hahayaan niya ito makapasok sa puso niya.
"There's no wrong liking you, Sasha. You know, I have never been this serious in my life."
Huwag kang bibigay. Masyado komplikado mahalin ang lalaking ito. Hindi pa ko handa. Pakiusap niya sa sarili. Sana lang talaga ay makinig ang bingi niyang puso.
***
"YOUR smile sends me creeps," pukaw ng kaibigan ni Sasha na si Vivian habang nagko-compute ito ng kung ano. Kasalukuyan niyang kasama ito sa pavilion ng unibersidad nila. Paano ba na hindi siya mapangingiti. Ka-textmate lang naman niya si Daniel na may klase ng mga oras na iyon.
Inirapan lang niya ang kaibigan. Nang i-kuwento niya sa kaibigan ang mga nangyari nitong nakaraan sa pagitan nila ni Daniel ay pinaalalahanan uli siya ni Vivian na mag-ingat pa rin sa pagkakalapit sa binata. They're bestfriends. Naiintindihan naman niya kung overprotective ito sa kanya. Baka iniisip lang nito na saktan siya ng binata. Hindi man nito gusto si Daniel para sa kanya ay iginagalang ng kaibigan ang gusto niya.
Ten minutes left. Nabasa niyang text ni Daniel sa kanya.
Agad naman na nag-reply siya ng Okay.
Nag-vibrate na naman ang cellphone niya. Binasa muli niya ang text nito. Lunch tayo ng sabay, treat ko.
Ayaw na sana niya mag-reply pero hindi niya mapigilan ang mga darili niya mag-type sa screen ng phone niya.
See you then. Huwag ka na nga mag-text at baka mahuli ka ng professor mo. Type niya sa aparato at pinadala agad sa binata.
Nag-angat siya nang tingin nang maramdaman ang titig ni Vivia. Salubong ang mga kilay nito. Pumormal siya at patay-malisyang ngumiti. "Why?"
"Mukhang okay ka kasama si Robredo. Masaya ka, Sash." Napabuntong-hininga ito. "Basta, be careful."
She sighed. Mukhang hindi gumagana ang logical thinking niya nitong mga nakaraan. But she was fine being with Daniel. Alam na nga niya ang ugali nito sa ilang linggo ba naman na nakakasama niya ang lalaki. Daniel wasn't that bad after all. Meron lang itong hidden agenda sa ama kaya mukhang masungit at masama ang ugali.
Pagkatapos nang klase ay nagkita sila para sabay kumain. Dumiretso sila sa paborito niyang tapsilugan. Um-order na sila ng pagkain at pansin niya na kanina pa hindi maganda ang mood nito mula nang umalis sila sa pavilion. Kanina naman ng ka-text niya ito ay nakikipag-kulitan pa ito sa kanya.
"What's wrong?"
"Nothing,"
Nagkibit-balikat na lang siya. Halos mapalakpak siya nang makita ang parating nilang order na tapsilog. Bigla ay nagutom siya at natakam.
"Thank you po! Thanks din God sa pagkain." excited na sabi niya nang nilapag na iyong mga pagkain nila. Binalingan niya si Daniel na hindi pa rin nabago ang hilatsa ng mukha. "Hindi ka pa gutom or hindi ka nakain nito? Ay oo nga pala... iba ka nga pala, rich kid ka kasi."
His lips pursed.
"Masarap ito, promise. Akin na 'yang sayo at ako ang maghahalo ng itlog sa beef."
"I'm not hungry,"
"Pero nag-aya ka kumain?"
He sighed. "I just want to see you... that's all."
Hindi talaga sila usually araw-araw na nagkikita nito. May mga subject sila na magkaiba ng section. Nabitin sa ere ang pagsubo niya nang marinig ang sinabi nito. Nanindig ang mga balahibo niya dahil sa lalim ng tinig nito. Bumilis rin ang t***k ng puso niya.
"Nagkita naman tayo kahapon, di ba? Miss mo na ko agad?" asar niya.
Bigla ay namula ang mukha nito. Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin.
"My mom was here in the Maynila. I was with her since Tuesday night. Kailangan niya ng kasama.”
Nag-angat siya ng tingin.
"She was here because she's hurting again." Maikling sabi nito.
She was not in Daniel's shoes but she understand pain and the feeling of betrayal. They got different family issues. Kaya siguro nagkakaintindihan sila.
"I'll be with her until next week. Kaya kahit hindi ka muna maglinis sa unit ko. I will not be there for a while."
Napangiti siya. He was trying to patch things up with her mother. At least, there is a progress. Sana ay magawa din nito sa ama.
"Sure. Para din makapag-focus akong waitress sa bar. Mas malaki kinikita ko doon kaysa sa paglilinis sa unit mo, ano."
She ate her food. Hindi na ito umimik at kumain na rin. She felt awkward. Uminom muna siya ng iced tea bago hinarap ito.
"Mami-miss mo ko agad ha. Naku, masama 'yan Mr. Robredo baka iba na 'yan." nakangising sabi niya. To lighten the mood. He looked so serious. Siguro ay sobrang nag-aalala ito sa ina. Sino nga naman ang hindi?
Nanlaki ang butas ng mga ilong nito.
She laughed wholeheartedly. This is the true Daniel Robredo-- not the asshole.
****
"YOU'RE A DEAD meat, Dan." ani Yvan nang pumasok mula sa pad nito ang pinsan. Natigilan ito nang makita siya sa sala. He had access to Daniel and Andy's unit. They were not that close but Andy likes him. Daniel was aloof to him. Kay Andy lang naman ito madalas makipag-usap at laging kasama nito bukod sa mga kaibigan. "Baka ito ang pagmulan nang away ninyo."
Nawala ang ngiti nito. He had seen them earlier at the Tapsilugan. Tuwang-tuwa si Sasha kausap nito. From their looks, they looked like a happy couple. They were trying to get Daniel's trust and to get close to him. They were cousins. Dapat lang na malalapit sila sa isa't-isa dahil sila lang naman ang magtutulungan.
"I know Andy's deal with you," he said, he shrugged. "Be careful, Daniel. I know you are on it but not her. Not Andy's girl."
Daniel was looking at him all this times. Nawalan ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.
Nang tumawag ito sa kanya nang isang araw ay akala niya kung ano na ang nangyari. He was literally panicking, and it is the first time. Nang makita niya ang babae ay lalo siyang nagtaka. Because it was Sasha Cruz-- ang sinasabi ni Andy na gusto nito. Nang kinuwento ni Andy iyon ay kinilala niya ang babae. Kaya hindi sikreto ang pagpapatulong nito kay Daniel. On this matter, Daniel has the means to get close with her. Sasha and Daniel were classmates.
"You should stick on the plan. Liking that girl is not good to you and Andy. I know we are not that close like you had with Andy. Pero ayoko makita na magbasag ulo kayo dahil sa babae. I know you, Daniel. You were okay and I want to keep it that way. Ayoko pumili ng kakampihan dahil alam mo na si Andy ang mas papanigan ko."
It seems... Daniel was trapped in his own scheme. But he had a deal to their cousin. Kilala niya si Daniel at si Andy. Maraming pagkakaiba ang dalawa pero laging nagkakasundo ang mga ito. Pero ito ang unang pagkakataon na nagka-interes ang dalawa sa iisang babae. Ayaw niya magkagulo ang dalawa dahil sa babae.
Umalis na siya sa pagkakasandal mula sa pader at tinapik ito.
Nilagpasan na niya ito at lumabas na. Ayaw niya lumayo ang loob ni Andy kay Daniel.