"OH GOD!" Natuptop ni Sasha ang bibig nang may maatrasan siya sa likuran ng sasakyan. Pauwe na sana siya ng Pasay nang hindi sinasadya na napasobra yata ang atras niya.
Mabilis na bumaba siya at tinignan kung ano ang nagawa niya sa kotseng nakapuwesto sa likod ng hiniram muna niyang kotse ng Tito niya. Kailangan kasi niya nang masasakyan papunta sa Batangas. Dadalhin kasi niya ang ilang gamit ng mommy niya doon dahil ibinili nito ng bahay ang ina. Siguro gusto nito laging kasama ang mommy niya. Hindi kada-weekend ay pinasusundo nito.
Nakagat niya ang hinlalaki nang makita ang gasgas sa likod ng Lamborghini na sasakyan. Patay siya ngayon. She was sure it cost a bucks! Paano na lang kung professor ang may-ari ng sasakyan na iyon?
Sinipat rin niya ang gasgas ng kotse ng Tito. Hindi man halata ang tama pero naman! Nakakahiya!
Napangiwi siya kahit maliit lang iyon. Paniguradong lagot siya sa oras na makita nito ang maliit na gasgas sa kotse nito. Bumalik ang tingin niya sa kotse na nabangga niya nang huli. Kung hindi pa siya aalis ay malamang may makakita sa kanya at sabihin na siya ang gumawa ng medyo may kalakihan na gasgas sa Lamborghini na sasakyan na iyon. Alam niyang mali na tumakas siya pero wala siyang pamimilian.
Tumingin siya sa paligid. Wala naman sigurong nakakita sa kanya kaya mabilis na bumalik siya sa kotse at pinasibad iyon. Kailangan na muna niyang ibalik ang sasakyan ng Tito niya. Kung sakali na lang may nakakita o ano ay aamin na lang siya. Bahala na.
Kinabukasan, akala niya ay makakatakas siya sa kasalanang ginawa sa kotse na hindi naman niya sinasadya na maatrasan nang hapon din na iyon ay pinatawag siya. Hinanda na niya ang sarili at ang danyos na babayaran niya. Kabado siya. Humugot siya nang malalim na hininga bago hawakan ang seradura nang security guard quarter ng unibersidad nila.
Pagkabukas niya nang pinto ay agad niyang nakita ang isang lalaki na sa tingin niya ay kapwa niya estudyante. Nasa tabi nito ang isang guard at nakaupo ang mga ito malapit sa monitor kung saan nakikita ang mga nangyayari sa bawat footage ng CCTV na nakakabit sa iba't-ibang parte ng unibersidad nila. Hindi niya makita ang mukha ng kapwa estudyante pero sigurado siya na malaki ang babayaran niya sa nagawa niya sa sasakyan nito. Nakagat niya ang ibabang labi. Ngayon alam na niya kung bakit nalaman na siya ang may gawa.
Lumunok muna siya bago tumikhim para kunin ang atensyon ng mga ito. Agad naman na lumingon ang mga ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang lalaking estudyante na tulad niya.
Sasha, ano ba naman itong pinasok mo?
***
"ARE you kidding me?" Hindi napigilan ni Sasha ang sarili nang sabihin ni Daniel ang halaga ng gasgas sa hinayupak na Lamborghini nito. Pagkatapos ipakita sa monitor ang mismong eksena sa parking lot kahapon ay umamin na rin siya. Bakit pa siya tatanggi? Huling-huli siya.
"Do you think I'm kidding?" Humalukipkip na tanong nito habang nakatingin sa kanya.
She sighed. God, this can't be. Saan siya kukuha ng one hundred fifty thousand? Halos isang taon na allowance din niya iyon. Kahit siguro ibenta niya ang laman loob niya ay hindi sasapat para mabayaran ito. Kung aasahan naman niya ang allowance niya ay malamang pagkalipas pa ng isang taon at kalahati niya ito mabayaran. Ang pagba-blackmail nga lang nito sa kanya ay sakit na sa ulo niya. Dumagdag pa ito.
Akala niya ay tuluyan na itong mawawala sa radar niya. Hindi na kasi siya ginulo nito mula nang huli nilang pag-uusap sa cafeteria. Siguro nang magpasabog ng kamalasan ay sinalo niya lahat.
Pumikit siya at humugot ng malalim na hininga. Kailangan niya mag-relax. Hindi dapat niya daanin sa init ng ulo ang pakikipag-usap rito.
"Do you have insurance?"
"Hindi kasi sa akin ang kotse na ginamit ko."
Nakagat niya ang ibabang labi. Yumukod siya at pinagkatitigan ang mga kamay niyang magkasalikop. Patay talaga siya ngayon. Ayaw naman niya malaman ng Tito at ang mama niya ang nagawa. Pero pinaalam niya sa Tito Greg niya ang nangyari sa kotse nito at sinabihan siyang hayaan na lang daw niya. Mas tinanong pa nga nito kung kumusta siya.
"Paano 'yan? Mababayaran mo pa ba kaya ko?"
She tried to be polite.
"Puwede bang installement na lang?"
Inilapit nito ang mukha sa kanya. Nahigit niya ang hininga sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.
"Give me your number."
Napasimangot na siya.
Dinukot nito ang aparato sa bulsa ng suot nitong uniform. Inabot nito sa kanya iyon.
Umismid siya at kinuha ang cellphone sa kamay nito. Iti-nap niya ang numero at ibinalik rito. Tumayo na ito nang makuha ang numero niya. "Ite-text na lang kita kung kailan tayo mag-uusap uli. May pasok pa ako." Paalam nito. Bago ito tuluyang umalis ay nilingon pa siya ng lalaki. "Huwag mo ko tatakasan ulit, Sasha. Kaya kitang hanapin kahit saan ka man pumunta."
Saka lang ito tuluyang lumabas ng silid. Hindi niya alam paano matatapos itong malas niya. In all people, si Daniel-- the asshole pa talaga. Paglabas niya ay nagulat siya nang makita pa rin ito. Akala ba niya ay papasok na ito?
Napabuntong-hininga siya bago kausapin ito. "Sa totoo n'yan hindi ko alam kung sa paano ako makababayad sa'yo dahil kung nakikita mo naman estudyante pa lang ako tulad mo. Wala ako'ng gano'n na kalaki na halaga."
"You can work for me, you know." Kibit-balikat na sabi nito.
Tumaas ang isang kilay niya. "Ano naman na klaseng trabaho ang gagawin ko?"
"You can clean my pad." Nanlaki ang mga mata niya Nungka siyang pinaglinis sa bahay pero kahit paano naman ay sanay siya sa gawaing-bagay. But heck! Hindi siya naglilinis sa kanila. Tapos gagawin siyang maid nito?
"Habang hindi mo pa nababayaran ang utang mo sa akin."
"Aba! Magta-trabaho na nga ako sa'yo tapos babayaran pa rin kita? That is not fair!" buwesit na sabi niya.
"Take it or leave it, Sasha. Kapag hindi ka pumayag, might as well I'll tell your mom and your tito what you do to my expensive car."
Napahawak siya sa braso nito. Hindi puwede malaman sa kanila. Ayaw niya problemahin ng mga ito ang pagbabayad ng ganoon kalaki na halaga. Siya ang may kasalanan, kaya dapat siya rin ang maghanap ng solusyon
"H-Huwag..."
Bumuntong-hininga ito. "Baka naman sabihin mo ang sama ko ng sobra. Babawasan ko ang utang mo sa akin nang mga ita-trabaho mo. Okay na ba? So, tatawagan na lang kita kung kailan ka magsisimula."
Nang tumalikod ito sa kanya ay wala na siyang nagawa kundi pumayag sa pesteng mga kondisyon nito. Damn, he was getting into her nerves!
***
NANG hapon din na iyon ay naglinis na si Sasha sa pad ng kurimaw na si Daniel. Ito din ang unang beses na nagtrabaho siya para lang magbayad ng utang.
Pagkatapos nang klase niya ay hinintay siya ni Daniel para dalhin sa pad nito. Hindi na siya nag-reklamo dahil wala naman siyang magagawa kundi ang pumayag sa mga kondisyon nito. Napanganga si Sasha pagkabukas pa lang nang silid ng binata. Isa lang ang masasabi niya nang ilibot niya ang tingin doon. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon kakalat si Daniel dahil nga sa lalaki ito pero naman... hindi na masasabi na tao ang nakatira sa lugar na iyon.
"Umamin ka nga sa akin, sinadya mo ba guluhin rito?" nakasimangot na tanong niya.
"Nagrereklamo ka ba?" sumandal ito sa hamba ng pinto at tumingin sa kanya.
Pilit na ngumiti siya. "Siyempre, hindi! 'Di ba nga may utang ako sa'yo kaya kailangan ko lang gawin ito para makabayad sa'yo kahit paano."
Tumango-tango ito. "Good, then start."
Iniwan na siya ni Daniel at dumeretso na sa living room nito. Kumilos na siya at sinimulan pulutin ang mga naghalang na damit nito. Napakunot noo siya nang makakita ng tila strap ng brassiere sa kumpol ng mga damit na nakahalang sa sahig. Dinampot niya ang itim na strap. Nanlaki ang mga mata niya nang hatakin niya ang strap at bumungad sa kanya ang itim na cup C na brassiere.
"Malibog talaga ang lalaking 'yon." bulong niya sa sarili.
Ipinagpatuloy pa niya ang pagdamot ng mga damit nito. Nang makapansin pa siya nang tila plastic ng ice candy. Pinulot niya iyon at tinignan ng maigi. She saw white liquid inside it. Binitiwan niya iyon saka napatili nang mapagtanto kung ano iyong nahawakan niya.
"Sasha?!" malakas na tawag ni Daniel sa pangalan niya.
"Bakit ko hinawakan 'yon. Baka mamaya pa mahawa ako ng kung ano-anong sakit!" naghi-hysterical na sigaw niya.
Naramdaman na lang niyang hinawakan ni Daniel ang magkabilang balikat niya at iniharap siya.
"Ano ba?!"
"Get your hands off me! Huwag mo nga ko hawakan at kung saan-saan mo inihawak 'yang kamay mo." Pumiglas siya sa binata.
Hindi na siya makapaghintay na mabayaran ang utang niya sa lalaking ito. He was like a disgusting pig! Mabilis na lumabas siya at pumunta sa kusina nito. Maghahanap na lang siya ng gloves.
***
ANG buong akala ni Daniel ay umalis na si Sasha pagkatapos nito makita ang condom na ginamit niya kaninang umaga. Naiintindihan naman niya kung bakit nag-react ng ganoon si Sasha.
Hindi naman siya umatras sa mga plano niya. Nagpapalamig lang siya. Kung gusto niya maging kaibigan ito ay hindi niya kailangan puwersahin ng ganoong kabilis. He will get what he want but not that fast. Ayaw niya maging kontrabida kahit sinabi ni Dunhill na dapat hindi niya isipin ang iba. Maybe, Sasha is different. He can't stand to made her cry. Nakokonsensiya at hindi niya alam kung bakit.
She looked like a conservative woman... must be a virgin. Paglabas niya ng silid ay nakita niya ito na palabas sa kusina at may yellow gloves na ang mga kamay. Nakapusod na rin ang malambot at mahabang itim na buhok nito. Hugis-kerubin ang mukha nito na pinaresan ng maliit na matangos na ilong, makurbang maliit na labi at mapula-pulang pisngi. Ang mas nakabihag sa atensyon niya ay ang mga hazel eyes na mga mata nito. Tuwing nasasalubong niya ang mga mata nito ay tila may humahalukay sa loob ng tiyan niya. Kung hindi nga lang ito magsasalita ay pagkakamalan niyang anghel ito na ibinaba ng Diyos mula sa langit.
"Ano'ng titingin-tingin mo?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Doon lang siya nakabawi nang magsalita ito. What happen to him? Kahit naman gaano kaganda ang babaeng nasa harapan niya ay ni minsan ay hindi siya nawala sa sarili. But damn what he was seeing was the beautiful woman singing on the bar. Not this old lady. Wait, when is the last time he praised a woman? Hindi niya matandaan dahil ngayon lang niya ginawa.
You s**t Daniel Isaac.
Tumikhim siya. "Akala ko umalis ka na."
Umirap ito. "Well, I had debt to pay. Sa ayaw o gusto ko man wala naman akong choice kundi ang gawin ito."
Bumalik na ito sa ginagawa.
Napailing na lang siya. She was one of the hella frustrating woman. Ang hirap basahin nito. Sobrang hirap intindihin.
***