PANGALAWA

2121 Words
INAYOS ni Sasha ang set ng instrumento na gagamitin niya sa pagtugtog ng gabing iyon. Nasa isang kilala siyang bar sa Commonwealth at kasama ang banda na pinapasikat ng kuya niya bago ito mawala. Nang mamatay ang kuya niya ay sumasama na siya sa pagtugtog ng mga ito tuwing weekends. Gustong-gusto niya naririnig na kumanta ito. Bata pa lang siya ay alam na nilang musically inclined ito kaya nang kumuha ng kurso sa kolehiyo ay Music ang kinuha nito. Malaki ang tutol ng mga magulang dahil sa tingin ng mga ito ay anong mapapala ng kapatid sa ganoon. Siya alam niya kaya suportado niya ito. It makes him happy and complete. Iyon din ang nakakapagpasaya sa kanya.  After this death, hindi niya kayang iwan ang mga kabanda nito. Kaya nag-presinta siyang maging drummer at second voice ng mga ito. Bata pa lang siya ay mahilig na talaga siyang magpupukpok sa drums. Iyon lang yata ang instrumento ng kuya niyang minahal din niya ng husto. Pakiramdam niya ay nailalabas niya ang mga emosyon niya sa bawat pagbitaw niya ng palo sa drum. Hindi alam ng ina niya ang katauhan niyang iyon dahil alam niyang tututol ito. Nag-aaral siya ng maayos para maiahon ang mahirap nilang buhay  pero gusto niya manatiling buo ang pinaghirapan ng kapatid niya. Malaki ang tutol ng kanyang ina na mapasama siya sa isang banda. Hindi niya alam kung ang dahilan ay nang mamatay ang kapatid niya sa pagsali nito doon. Pero aksidente ang nangyari at nanagot na ang mga dapat managot.  Dalawang taon na rin ang nakalipas nang mamatay ang kuya niya sa isang riot. Napaaway ang banda nito sa kalaban na banda at naging sanhi iyon ng pagkasaksak nito. Mabilis naman na isinugod ang kapatid sa ospital pero wala na ito. Nabagok ang ulo ng kuya niya habang umaawat ito at dineklarang brain dead pagdatig sa ospital. Ito lang kasi ang kapatid niya kaya pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay kinuha ang kalahati ng pagkatao niya. Mahal na mahal siya ng kapatid. Ito lang ang tanging tao na umiintindi sa kanya at tumutulong kapag kailangan niya. Well, Jacob, Hector and Noah was his brother bestfriends too. Sila ang bumubuo sa "Red Tag"--- ang pangalan ng banda nila. Kaya alam niyang masakit din sa mga ito ang nangyari sa kuya niya. Halos magkakapatid na ang turingan ng mga ito sa isa't-isa.  Nawalan ng gana ang mga ito pagkatapos mamatay ng kapatid. Kaya hindi niya hinayaan masira ang mga ito. They need a new member, there she is. Willing siya gawin ang lahat para manatili ang bandang pinagpaguran ng kapatid niya. Siya ang nagbigay ng bagong pag-asa sa mga ito. Kung ano ang importantevsa kuya niya, iyon din ang sa kanya.  Kaya hindi niya makayanan magalit sa mga ito. Alam din naman niya na hindi kasalanan ng mga ito ang nangyari. Aksidente ang nangyari sa kuya niya at wala dapat na sisihin sa nangyari. Subalit hindi rin niya masisisi ang ina na matakot para sa kanya. Pero hindi niya kayang hayaan na lang masira ang banda na mahal ng kapatid niya. Alam niya na sa oras na malaman ng ina niya ang pakikipag-komunikasyon niya sa mga ito ay magagalit ito sa kanya. Pero naging buhay na ng kuya niya ang banda at ang musika nito. Hindi niya kayang mawala ang natitira nitong alaala. Lumingon ang mga kasama sa kanya.  "Are you ready, Sash?" tanong ni Hector, ang bassist at male singer nila.  Ngumiti lang siya.  "Ano bang kakantahin mo ngayon?" tanong ni Jacob, ang keyboardist nila.  "Yellow ng Coldplay. Matagal ng request 'yon kaya pagbigyan natin."  Sumipol si Noah at inakbayan siya."Nice. Ang ganda ng version mo ng Yellow."  Noah was the band guitarist. Tinapik niya ang gitara nito kaya inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya.  Napatingin siya sa glass-walled sa kanyang gilid kung saan kitang-kita ang repleksyon niya. Hindi niya suot ang kanyang may gradong salamin sa halip ay nakasuot siya ng contact lens. Nakalugay ang kanyang nakapusod na buhok tuwing umaga. Fitted black T-shirt with demi-jacket at maong pants ang suot niya. High-cut pink chulk taylor ang sapin niya sa mga paa. Ito ang tunay na siya, walang halong pagpapanggap.  "Let's start?" ani Hector. Tumango siya saka sumindi na ang ilaw sa harap nila Sinimulan na rin niya hampasin ang drum niya.  **** UMALINGAWNGAW ang palo ng drum na iyon sa loob ng bar kung nasaan sila Daniel. Kasama niya sina Wade, Kerkie at ang tahimik na kaibigan nilang si Dunhill. They met Dunhill last year due to some circumstances. Matalik na kaibigan ng lolo nito ang lolo niya kaya nang makiusap ang matanda na sama-samahan niya si Dunhill at tulungan ito ay pumayag siya. Masyado itong tahimik pero nang nahuli niya ang kiliti nito ay mabait naman ito. They get along together and soon become one of his best buddy. Hindi man ito tulad nila Wade at Kerkie na may pagkamaloko. But indeed, he is a good man.  "She's good," ani Dunhill bago inumin ang baso ng alak nito.  "Marami ang dumadayo dito tuwing weekends kasi sila ang banda na tumutugtog. They are great. Kaya kung maghahanap ka ng banda na gusto mo salihan sa tingin ko ito na 'yun, pare." ani Bernard na kararating lang. Kaklase niya ito sa isang subject.  "Magbabanda ka?" tanong ni Kerkie at bahagyang umusog palayo nang tabihan ito ng kasamang babae ni Bernard.  Nagkibit-balikat siya.  "Tado! Hindi ka pa kumakanta wala na agad." Ani Wade at kumunyapit ang babaeng date nito. Anika or Ana, ang pangalan nito ay hindi niya alam.  Dinampot niya ang isang piraso ng ice cub at binato rito. "Gago! Sino nagsabi sayong bokalista gusto ko. Maga-apply akong gitarista or bassist."  "Ang laki ng trip mo, Daniel." Iling ni Kerkie at sinenyasan ang babae.  "Miss, may girlfriend ako. Si Bernard na lang walang syota 'yan or 'yang si Dunhill."  Napailing lang siya at natawa naman ang lahat bukod kay Dunhill. Nadismaya ang babae at umalis na lang.  "Hindi naman malalaman ni Sabrina." Ani Wade at hinalikan sa pisngi ang date nito.  "Mga siraulo! Pinaghirapan ko kunin tiwala no'n kaya hindi ko sisirain."  Nang marinig niya ang boses ng babae ay natigilan siya.  Look at the stars Look how they shine for you "You know the vocalist?" Pagbaling niya kay Bernard.  Umiling ito.  "But in the serious note, nang mamatay ang vocalist nila ang tagal din hindi tumugtog ang mga 'yan dito. Pero nang dumating ang babaeng drummer nila parang bumalik sila sa dati. Ang balita ko pa, kapatid na babae daw ng namatay na vocalist ang drummer nila ngayon. Magaling naman kumanta si Hector pero iba kasi ang hagod ng boses ni Marco. Kaya sobrang nakakapanghinayang." Ani Bernard.  Tumango-tango siya.  And everything you do Yeah, they were all yellow Hindi siya natigilan sa kanta kundi sa boses nito. Pamilyar sa kanya ang tinig ng babae. Tumayo siya para matignan maigi ang kumakanta.  I came along I wrote a song for you Tila huminto ang lahat sa kanya habang nakatingin rito. Hindi niya mapagtanto pero pamilyar ito sa kanya.  And all the things you do And it was called Yellow His lips parted a bit.  "Hoy! Alam kong maganda ang drummer nila pero grabe Daniel. Mukha kang nakakita ng multo." Ani Wade sa kanya.  So, then I took my turn What a thing to've done Talagang daig pa niya ang nakakita ng multo. Dahil kahit iba ang get-up nito ngayon ay kilala niya ito. Puta! Maganda pala ang babaeng iyon.  And it was all yellow "Wow!" Wala sa loob na sabi niya.  Narinig niyang nagtawanan ang mga kaibigan. "Maganda 'no? Alam mo ba na isa din ang babaeng 'yan sa dahilan kung bakit marami ang dumarayo at nakikinig sa kanila. Kapag hawak na niya ang stick ng drum niya at tumutugtog. She was incredibly hot, dude." ani Bernard.  Nakaramdam siya ng pagkairita sa kaibigan. Hindi niya gusto ang tabas ng pagsasalita nito. Sasha looked different. Hindi niya alam kung bakit hindi ito makilala nina Wade kahit classmate nila ito. But he knew better. Makikita sa mukha nito kung gaano ito ka-engrossed sa kinakanta. Humanga siya. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng kung pumalo niyon ay tila natural na ang paghampas nito ng stick sa drums nito.  Naramdaman marahil nito ang titig niya kaya lumingon ito sa direksyon niya. The moment their eyes locked, he realized that she is really Sasha Cruz--- the Ms. Goody Two Shoes. Umiwas ito ng tingin na parang wala lang pero hindi siya puwede magkamali.  He felt it, he wanted to see her again playing her drums and singing out loud.  **** "HI!" Muntik na mapatalon si Sasha nang may magsalita sa gilid niya. Hindi na niya kailangan lumingon kung sino ito. Nitong mga nakaraan ay napapansin niyang palagi na lang itong sumusulpot kung nasaan siya. Lalo na kapag nasa bar siya. Minsan nagdududa na siyang nakilala siya ni Daniel pero hindi naman siya tinatanong nito.   "Sasha, can we talk?"  Tinignan niya ito. "Para saan, Mr. Robredo?" "Care have a lunch with me." Alok nito.  Isinarado niya ang kanyang locker. Umiling siya at akmang lalagpasan ito nang humarang sa kanya. Akmang iiwasan ito ulit nang humarang na naman ito.  "Anong gusto mo pag-usapan?" Nainis ng tanong niya.  Aaminin niyang nagdududa siya sa paglapit nito sa kanya. They are not friends. Hindi nga lang siya binibigyan nito nang pansin sa classroom nila. Napansin niya ang mga tingin sa kanya ng mga kapwa estudyante. Tahimik ang buhay niya. Ayaw niya gumulo iyon nang dahil sa lalaking ito.  "Have lunch with me, first."  Ngumiti siya. "No, thank you."  Sa pagkakataon na iyon ay tinalikuran niya ito. Hindi pa man siya nakakalayo ay... "Red Tag, huh?"  Natigilan siya at nanlalaki ang mga mata na nilingon ito. Oh, no! He recognize me... He knew me. Sinasabi na nga ba niya at nakilala siya ni Daniel. Nahalata na niya iyon nang unang makita siya nito at lalong tumindi ang duda niya ng sa loob nang dalawang linggo ay nandoon ito palagi. Alam niyang hindi siya basta-basta makikilala nito sa itsura niya pero nakilala pa rin siya ng lalaki.  Mabilis na nilapitan niya ito. "Ano bang gusto mo?" Nagkibit-balikat ito. "First, have lunch with me. I'll tell you the details."  Hindi talaga siya nagkamali.  Nakangisi itong lumapit sa kanya. Kung puwede lang niya burahin ang ngiti sa labi nito ay gagawin niya. Tumindig ang mga balahibo niya nang yumukod ito at bumulong sa kanang tainga niya. Nangatog ang mga binti niya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa kanya. Ang bilis ng t***k nang kanyang puso at higit sa lahat hindi niya alam kung humihinga pa siya. "Don't worry, Sash. Ako lang ang nakakaalam ng sekreto mo sa ngayon not unless gusto mo malaman ng lahat."  Napalunok siya.  Lumayo na ito sa kanya.  "You think I don't recognize? Hindi mo man suot ang malaking salamin mo, 'yang mga pangit na damit mo at ilugay ang mga magagandang buhok mo. You can't hide from me, Sasha."  Napapikit siya at humugot ng malalim na hininga upang pakalmahin ang kanyang sarili. Kung hindi niya gagawin iyon ay sasabog siya sa sobrang asar dito.  "A-ano bang gusto mo?" Ulit niya sa unang tanong.  "Oh! Afraid to know your alter ego. Why, may pinagtataguan ka ba?"  She gulped again. Hindi nito puwede malaman ang kinatatago-tago niyang sekreto sa ina. Nang mamatay ang kapatid ay pinagbawalan na siyang makipagkita sa mga kabanda nito. Lalo ang maging parte pa niyon. Her mom will hate her forever for that.  "Wala." Taas-noong sabi niya. "At kung meron man, wala ka na doon." Tinabig niya ang kamay nitong akmang hahaplusin ang pisngi niya.  "Fierce. I like that," he chuckled. "Ano'ng gusto mo?" Nagkibit-balikat ito. "Let's just say I want to secured my secrets."  Nagkasalubong ang kilay niya. "Secrets?"  Tumango ito. "Uh-ah. The library incident."  Napairap siya. Iyong pakikipag-s*x nito sa library. "Wala kong pakialam, okay." Ngumisi ito. "Good."  Akmang tatalikuran niya ito nang hinigit nito ang braso niya pabalik. Nagkatinginan sila ng may kung anong koryente ang dumaloy sa mga balat nila.  Bumitaw siya agad. "Ano pa ba?"  Nagpamulsa ito sa harapan niya. "Paano kaya kapag nalaman ng Mommy mo na drummer ka ng banda. Ano sa tingin mo?"  Nagtagis ang bagang niya. Kung ganoon ay hindi lang ang tungkol sa library ang sadya nito sa kanya.  "Don't you dare!" she hissed.  "And if you want your secrets lies on me too. Be kind to me. I wanna be your friend." hindi statement iyon kundi utos. Sino ito para i-blackmailed siya?  "Friends? Walang kaibigan na nagba-blackmail."  "But whether you like it or not, you will be my friend. Accept it, Sasha. You know you don't have any choice."  Gusto niya sumigaw sa inis. Ang kapal ng mukha nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD